Daveara

Ara, game sumama kay Dave sa mga eskinita

April 11, 2022 Ian F. Fariñas 166 views

Hindi magkamayaw ang mga taga-San Pedro kina Dave Almarinez at Ara Mina noong nakaraang Sabado.

Alas-sais pa ng gabi naka-schedule ang motorcade nila pero mga bandang alas-tres pa lamang ay may mga nag-aabang na sa dalawa na dumaan sa kanilang mga bahay-bahay.

Saksi kami sa pag-aabang ng mga tao sa dalawa, lalo na kay Dave na tumatakbong kongresista sa kanilang distrito.

Kuwento ni Ara, “Kahit wala ako, ganyan talaga sila sumalubong sa aking asawa sa mga house-to-house activity at gaya nito, mga motorcade. Parang artista si Dave dahil naghihiyawan sila ’pag nakikita nila ang Bebe ko. Natutuwa naman ako.

“Nakita mo ba kanina ang inilabas nilang speakers sa kanilang bahay para lang patugtugin ang jingle ni Dave?” tanong ni Ara.

“Ang iba, nagsuot pa ng t-shirt na ipina-imprenta namin last year. Itinago talaga nila,” dagdag niya.

Nakakapagod ang motorcade, ha, kasi akala namin dalawang oras lang tatagal, pero inabot nga ng apat na oras sa kapal ng tao.

Game na game naman si Ara na samahan ang asawa sa pagpasok sa mga eskinita upang makipag-usap sa mga tao bago bumalik sa motorcade.

Tatlong namatayan nga ang tila panandaliang nawala ang hinagpis at kalungkutan dahil nakisimpatiya sa kanila ang dalawa.

Sigaw nga ng mga nasa motorcade, may nanalo na. Pero ayaw magpakampante nina Dave at Ara kaya araw-araw pa rin silang may mga aktibidades ngayong panahon ng kampanya.

AUTHOR PROFILE