Yandong

Marian, lalong sumeksi sa Pilates

April 11, 2022 Jun Nardo 118 views

FRESH pa rin ang hitsura ni Marian Rivera nang humarap sa ilang entertainment press, fans at mga kaibigang sumaksi sa contract signing niya ng Kamiseta Blancare Lotion, produkto ng Kamiseta Skin Clinic ni Cris Roque.

Ito ay matapos ang halos tatlong taon ng pandemic. Bukod pa ito sa pagiging mukha ng Kamiseta Clinic ni Marian, huh!

“Ang ibig sabihin, masaya ako sa asawa ko, pamilya ko, mga anak ko at sa trabaho,” bulalas ni Marian sa estado niya ngayon.

“Parang lahat naman tayo natakot noon. Literal na paranoid baga. Kulang na lang, laklakin mo ang alcohol nu’ng araw, ’di ba, dahil sa pandemic.

“At least ngayon, ang saya natin dahil may gathering na nakikita ko kayo, nakakasama ko ang fans na nandito.

“Kaya salamat kay Miss Cris dahil binuo niya ang araw na to para sa ating lahat,” dagdag ni Yan, na lalong sumeksi dahil twice a week nagpi-Pilates.

Balik-trabaho na si Marian sa sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa kasama si Dingdong (Dantes).

Eh, ‘yung ginawang documentary sa Israel nang maging bahagi siya ng Selection Committee ng nakaraang Miss Universe, ilalabas na rin sa Mother’s Day.

Ngayong Holy Week naman, pasyal-pasyal lang daw silang pamilya sa may dalampasigan.

Eh, anong say niya’t lumipat na sa GMA ang ilang Kapamilya stars?

“Ay, everybody’s welcome! Wala tayong pipigilan as long as ginagawa ng GMA ang para sa lahat. Ang ganda na nakakapunta sila at may chance na makatrabaho sila na dati ay hindi puwede. Why not? Lahat sila lipat ng 7,” tugon niya. “Open naman akong makipag-work sa kanila. Why not?” sey pa ni Marian.

Eh, ‘yung partnership ng GMA at Star Cinema?

“Ay, ganun? Eh, di wow! Bongga!

“Para wala nang away. Wala nang kumpetisyon sa ratings, sa network war. Ang dami nang nangyari. Enjoy na lang and support each other,” rason ni Marian.

Looking forward na rin si Yan na makagawa ng pelikula na naudlot nga dahil sa pandemic.

AUTHOR PROFILE