Kim

Kim, excited sa ngiti ni Paulo

November 24, 2023 Vinia Vivar 183 views

Dahil big fan din si Kim Chiu ng mga Korean drama, sobrang ikina-happy niya na siya ang napili na gumanap na lead actress sa Pinoy version ng hit K-drama na What’s Wrong with Secretary Kim.

“I’m very happy to do this project and mag-land siya sa akin kasi I’m also a Korean fan ng mga series,” ani Kim sa latest interview ng ABS-CBN.

During the pandemic ay isa itong WWWSK sa mga pinanood niyang K-drama without knowing na gagawin pala niya ang adaptation nito.

Sa bagong proyektong ito ay si Paulo Avelino muli ang kanyang makakapareha matapos ang big success ng tambalan nila sa Linlang.

“From Linlang, and then, ‘eto kami ulit, we’re playing a super duper different role dito. Doon sa Linlang, sobrang intense, heavy, minsan n’yo lang kami makitang nakangiti sa isa’t isa.

“So, ‘eto, pwede na kaming makapagbigay ng maraming smiles and all and giggles, like that. So sobrang complete opposite siya which we’re very thankful din na sinuportahan kami sa Linlang, and then, we’re doing this project ngayon sa Viu, so, sobrang happy and excited again to do a different dynamics with Paulo,” ani Kim.

Isa pa nga sa ikinai-excite niya ay makita si Paulo sa rom-com dahil nasanay nga siya sa role nito sa Linlang na sobrang seryoso at laging galit.

“Minsan lang siya talaga tumawa at hindi ko pa siya nakita na nag-full romcom, so parang na-excite rin ako to see him and to do this project with him,” ani Kim.

Ipapalabas sa 2024 ang WWWSK na collaboration ng Dreamscape Entertainment at Viu.

AUTHOR PROFILE