Sanya

Sanya, una sa billing kay Alden sa Kapuso historical drama

November 24, 2023 Jun Nardo 167 views

ISANG historical drama ang mapapanood sa GMA Network sa 2024 na ang title ay Pulang Araw.

Ang cast ay sina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza at David Licauco. Hmmmmm…

Nauna pa si Sanya kay Alden sa tila poster teaser na inilabas sa social media at 24 Oras.

Parang ladies first kesa seniority ang basehan ng billing.

Eh, between Alden and Sanya, siyempre naman, marami nang achievements sa showbiz si Alden habang si Sanya, First Yaya at First Lady lang ang alam naming nagmarka sa kanya.

Isinama pa sina Barbie at David. Pero Sanya at Alden na lang, eh, sapat na! Isinama ang BarDa na may sarili ring following.

Saka nagtanung-tanong kami kung nakilala ba sa history ang Pulang Araw. Kung tama kami, ito ay may kinalaman sa Japanese occupation nu’ng unang panahon. May red circle ang Japanese flag, ‘di ba?

May Hollywood movie rin na Japanese war ang konsepto.

Pero alam na ito ng publiko?

Ang mas pamilyar sa amin, Pulang Lupa na isang lugar sa Las Piñas City, huh!

Well… Kung saan sila masaya, eh, di pagbigyan!

AUTHOR PROFILE