DOT DOT AT 51–Bilang pagpupugay sa mga tourism frontliners ika-51 anibersaryo ng pagkakatatag ng Department of Tourism (DOT), nagtungo si Secretary Christina Garcia Frasco sa Clark, Pampanga para saksihan ang signing of commitment to the Filipino Brand of Service Excellence sa mga tour guides.

51 tour guides binigyan ng insurance ng DOT

May 12, 2024 Jonjon Reyes 114 views

CLARK, Pampanga–Pinangunahan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco noong Sabado ang pamamahagi P2.55 milyon ng personal accident insurance coverage sa 51 tour guides sa Pampanga, Aurora, Bataan, Bulacan at Tarlac.

Mula sa Porac Tour Guides Association, Guides Alliance Bulacan at Your Service (GABAY), Bataan Peninsula Tour Guides Association, Eco Tour Guides Association of San Luis Aurora, City of San Fernando, Pampanga Tour Guides, Accredited Guides Association of Pampanga, Bulacan Tour Guides at Doña Remedios Trinidad, Bulacan Tour Guides ang mga nakatanggap ng insurance coverage.

Kinikilala ng DOT ang tungkulin ng mga tour guides na itinuturing na mga frontliner sa pagtatanggol sa mga lokal na destinasyon at pagtataguyod ng mayamang kultura, pamana at kasaysayan ng Pilipino.

“Batid ko po na sa linya ng ating trabaho, may mga aksidente o ‘di inaasahang pangyayari.

Pero in my research of the government programs that we have at present (in the DOT) and our budget as well, it does not allow accident insurance coverage para sa ating mga frontliners.

Kaya po as a personal and humble gift to all of you, meron po tayong handog na libreng accident insurance para sa ating mga frontliners,” sabi ng kalihim.

Samantala, nanalo ang Clark International Airport (CRK) sa Routes Asia Marketing Awards 2024 matapos itong humawak ng halos dalawang milyong pasahero noong 2023.

Nagtungo sa Clark si Secretary Frasco para saksihan ang paglagda ng mga kasunduan sa walong partners para isama ang world-renowned Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) sa mga operasyon ng hospitality industry at maging isang holistic brand para sa Pilipinas.

Ito ay para ihanda ang industriyal at business district ng Central Luzon para sa pagho-host ng MICE Conference sa Hulyo 10-12, 2024.

Ang MICECON ang pinakamalaking pagtitipon ng mga pagpupulong, insentibo sa paglalakbay, mga kumbensyon at mga propesyonal sa eksibisyon sa bansa.

“Nais kong ipahayag ang aking lubos na pasasalamat sa inyong lahat sa pagsama sa amin ngayon sa pinakamahalagang okasyong ito na napapanahon din dahil ito ang ika-51 anibersaryo ng pagkakatatag ng Department of Tourism.

To be honest, I really could have just spent my day at our central office to mark the anniversary of the DOT but I chose to be here if only to deliver personally my utmost gratitude, ang aking pasasalamat sa inyong lahat for championing Philippine tourism,” pahayag ng kalihim.

AUTHOR PROFILE