Marian

Marian-Gabby serye, pinalitan ng title

November 24, 2023 Jun Nardo 195 views

BAGO na ang title ng TV series na pagsasamahan nina Gabby Concepcion at Marian Rivera.

Naging light na ang title nito from the heavy one na Against All Odds na unang napabalita.

Ang narinig naming bagong title ng Marian-Gabby series ay My Guardian Alien.

Family drama raw ito at base sa title, science fantasy, huh!

Samantala, nagkaroon na ng poster reveal ang festival movie nina Marian at Dingdong Dantes na Rewind.

Nang i-reveal nila ang giant poster, may bonus pang sayaw ang mag-asawa, huh!

AUTHOR PROFILE