Pnoy Larawan: Jeremiah Tiangco/FB

Pinoy singer, tampok sa isang segment sa Miss Universe

November 24, 2023 People's Tonight 216 views

‘Pinoy pride!’ Iyan ang naging reaksyon ng netizens nang madiskubre na Pilipino pala ang umawit sa isang background music sa segment na parade of evening gown sa katatapos lamang na Miss Universe 2023.

Ang kantang ginamit ay pinamagatang ‘Do You Wanna Do This’ ni Jeremiah Tiangco.

Si Jeremiah Tiangco ay Filipino singer at second grand champion ng GMA Network singing competition “The Clash.”

Walang pagsidlan naman ang saya ni Jeremiah nang marinig niya ang kanyang kanta sa MU.

Aniya, “Sobrang nakaka proud lang dahil hindi ko inexpect ito! na maririnig ang boses ko sa @Ms.Universe kahit hindi kami natuloy mag fly papuntang “El Salvador” still masasabe kong “Malayo pa pero Malayo na.””

Isinulat ni Rina Mercado ang awitin at inayos ni Simon Peter Tan.

AUTHOR PROFILE