Elijah Screenshots mula sa Instagram/@milesocampo

Elijah Canlas, Miles Ocampo nag-break na

November 24, 2023 People's Tonight 267 views

HIWALAY na ang ‘Senior High’ star na si Elijah Canlas sa nobya nito at ‘E.A.T.’ host na si Miles Ocampo.

Si Elijah mismo ang nagkumpirma na nag-break na silang dalawa ni Miles at ilang buwan nang tapos ang kanilang relasyon.

“We went through a rough patch recently mainly because we are going through our own stuff,” sey ng aktor.

“We are okay, we are not mad at each other… I’m always gonna have love for her and support her with what she does but right now we are taking our time figuring things out,” saad pa ni Elijah.

Matatandaang bago ang hiwalayan ng dalawa, nagkaroon na ng paghihinala ang ilang netizens sa relasyon nina Elijah at Miles dahil sa kawalan ng update ng aktres sa aktor sa social media kahit na naka-follow naman ang dalawa sa kani-kanilang account.

AUTHOR PROFILE