Kulong

KIDDIE ‘RAPE’

May 1, 2023 Melnie Ragasa-limena 441 views

Helper minolestiya 7, 8 anyos na anak ng amo

ARESTADO ang isang 22-anyos na lalaking house helper matapos umanong molestiyahin ang magkapatid na batang lalaki at babae na anak ng kaniyang amo habang nanonood ng PornHub sa lungsod Quezon.

Ang suspek ay nakakulong ngayon sa Batasan Police Station (PS-6) matapos maaresto noong Linggo sa bahay na kaniyang pinagtatrabahuan sa Bgy. Matandang Balara, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre ang pang aabuso sa mga biktima bandang 9 p.m. ng April 30, 2023.

Sa salaysay ng ina ng magkapatid sa pulisya, ang suspek ay apat na taon ng nagtatrabaho sa kanila.

Bago mabisto ang umano’y pang-aabuso ng suspek ay napansin ng ina na malimit niyang makita ang kaniyang walong taong gulang na anak na babae sa unang palapag ng bahay kung saan matatagpuan ang kuwarto ng suspek.

Nang tanungin ang biktima kung bakit lagi siyang nandoon ay sumagot ito na pinapanood umano siya at ang kaniyang pitong taong gulang na kapatid na lalaki ng Pornhub.

Habang nanonood umano ay hinahawakan ng suspek ang kaniyang ari maging ang ari ng kaniyang nakababatang kapatid.

Agad na nagsumbong ang nanay ng mga biktima sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.