Ken

Ken may tatlong pamilya ang ama

October 21, 2022 Aster Amoyo 359 views

Ken

IT was only last 2018 nang ma-discover ng 29-year-old Kapuso singer-actor at entrepreneur na si Ken Chan na tatlo pala silang pamilya ng kanyang ama, ang dating businessman na si Allan Chan.

Ayon kay Ken, sa halip na galit ang kanyang naramdaman sa may sakit noong ama, pang-unawa ang nanaig sa kanya.

Nang kausapin niya nang masinsinan ang ama, umamin ito na may isa pa itong pamilya, bukod pa sa unang pamilya kung saan meron itong mga anak na may mga edad na. They are doctors na nasa Amerika na hindi na nakilala ng singer-actor at ng kanyang mga kapatid.

Just like his mom, mahal na mahal din ni Ken ang ama. Kaya dumating pa sa point na naghati ng araw ang kanyang ama sa kanila at sa isa pa niyang pamilya hanggang mag-desisyon na silang ipaubaya na ito sa isa niyang pamilya. At dito dumaan sa depression ang ina ni Ken na si Veronica.

Magmula nang magkasakit ang kanyang ama (who had a kidney transplant), si Ken na ang tumayong bread winner for his mom and two younger brothers.

Para malibang ang ina, binigyan ito ng singer-actor ng brand new car nung isang taon at hinayaan niyang makita ang mga kaibigan. At dito na unti-unting bumalik ang sigla ng kanyang ina.

Dahil busy sa kanyang trabaho at mga negosyo, bihira na rin makita ni Ken ang kanyang ama.

“Araw-araw ko siya naalaala. Walang oras na hindi ko siya siya inisip,” pag-amin ng singer-actor.

Ngayon lalong nagpursige ang singer, actor at host sa kanyang itinayong iba’t ibang negosyo tulad ng gasoline stations (with 10 branches nationwide and counting), Café Claus (na may limang branches na), isang travel agency at iba pa.

“I am so blessed,” aniya.

Inamin ng singer-actor na there was a time na gusto na niyang talikuran ang showbiz career at ituloy na lamang ang kanyang pagiging flight attendant ng Qatar Airways. Pero bago pa man ito mangyari ay dumating sa kanya ang pinakamalaking break niya sa bakuran ng Kapuso network when “Destiny Rose” landed on his lap.

“Actually, may dalawa nang na-single out ang GMA to play the role,” pagbabahagi ni Ken. “Sina Kiko Estrada at Jeric Gonzales .”

Ang ginawa ni Ken ay lumapit siya kay Rams David (na siyang naka-discover sa kanya at una niyang manager) maging sa kanyang tatay-tatayan noon na si Kuya Germs (Moreno) kung puwede pa siyang humabol sa audition. Kinabukasan ng gabi, nagulat umano siya nang magkasunod siyang tawagan nina Kuya Germs at Rams na nagsabing nmagkakaroon ng special audition for him pero makakasama rin niya ang dalawang ‘finalists’ for the role na sina Kiko at Jeric.

Nang dumating ang audition day, nagulat si Ken dahil bukod sa catering, kumpleto roon ang iba’t ibang props including gowns, shoes, wigs at iba pa at kasama na rito ang tatlong make-up artist para sa kanilang tatlo nina Kito at Jeric.

Naroon siyempre ang director, production executives at iba pang production staff.

Hindi naman makapaniwala si Ken na sa kanya mapupunta ang role. Bago nagsimula ang taping ng “Destiny Rose” ay pinag-aralan ni Ken nang husto ang script at kanyang pinaghandaan ang kanyang magiging role.

“Destiny Rose” was launched in September 2015 at nagtapos nung March 2016 and a star was born . Ito’y magkakatulong na dinirek nina Don Michael Perez, Jun Lana at Gina Alajar.

After “Destiny Rose” ay naging sunud-sunod na ang mga proyekto ni Ken sa GMA with him playing the lead role tulad ng “Meant To Be,” “My Special Tatay,” “One of the Baes,” “Ang Dalawang Ikaw” at iba pa.

Sa “My Special Tatay” nagsimula ang loveteam nila ng singer, actress-host na si Rita Daniela. Ang pinakahuli nilang ginawa ay ang “Ang Dalawang Ikaw”.

Nabigla ba si Ken nang magbuntis si Rita sa ibang guy?

“Actually, hindi,” aniya

Beyond friendship ang naging relasyon nina Ken at Rita pero hindi pa umano siya handa na magkaroon ng sariling pamilya dahil may mga pangarap pa siyang gustong matupad.

“Sa halip na malungkot dahil wala na ang tambalan namin ni Rita, I’m so happy for her,” pag-amin pa ng Kapuso actor.

“As a friend, I will always be here for her,” dugtong pa nito.

Looking forward si Ken sa bagong drama series na kanyang sisimulan from a popular movie na pinagbidahan ni Vilma Santos in 1987. He will be reunited with one of his colleagues before sa “Walang Tulugan with the Master Showman”. Joint production ito ng GMA and Viva.

Chelsea

Chelsea ‘di pinalad sa Miss Globe 2022

HINDI man nanalo, pumasok sa Top 15 sa Miss Globe 2022 ang kinatawan ng Pilipinas na si Chelsea Fernandez (2022 Bb. Pilipinas-Globe) out of 51 candidates. Ang korona ay nasungkit ni Anabel Payano ng Dominican Republic sa naturang pageant na ginanap sa Opera and Ballet National Theater in Tirana, Albania nung October 15 (October 16 in the Philippines).

Ang 2021 Miss Globe na si Maureen Montagne (ng Pilipilinas) ang siyang nagputong ng korona sa bagong Miss Globe.

Although pumasok lamang sa Top 15 ang Pilipinas, si Chelsea tinanghal na winner sa “Head-to-Head challenge” ng Miss Globe.

Si Anabel Payano ang kauna-unahang beauty title holder from Dominican Republic na nanalo ng Miss Globe crown sa ilalim ng bagong organizer, ang Deliart Associataion.

Si Anamaria Babau mula sa United Araw Emirates ang tinanghal na first runner up at People’s Choice awardee habang si Miss Bikini winnr na si Drita Ziri from Albania ang second runner-up. Third runner-up naman ang kinatawan ng Thailand na si Thanawan Wigg habang si Lam Thu Hong ng Vietnam ang fourth runner-up. Siya rin ang nanalo ng Best in National Costume.

Unang nakuha ng Pilipinas ang Miss Globe crown in 2015 na nasungkit ni Ann Lorraine Colis.

Si Chelsea ang pangalawang beauty queen from the Philippines to compete in an international pageant this month. Nauna na sa kanya si Gabrielle Basiano sa Miss Intercontinental na ginanap a day earlier nung October 14 (October 15 sa Pilipinas) na pumasok naman sa Top 20.

Umaasa ang Pilipinas na masusungkit ni Roberta Tamondong (third Filipina beauty queen to compete this month) ang Miss Grand International crown na gaganapin sa Indonesia ngayong Martes, October 25. If she does, ito ang kauna-unahang pagkakataon ng Pilipinas na maiuuwi ng korona.

Ang Miss International ang natitirang major international pageant na hawak ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. dahil nagsarili na ang Miss Universe – Philippines na pinamumunuan ng Bb. Pilipinas – Universe 2011 at tinanghal na third runner-up sa 2011 Miss Universe na si Shamcey Supsup-Lee.

ChristianChristian

Christian sanay nang kinukuwestiyon ang pagkalalake

AYON sa 29-year-old award-winning actor na si Christian Bables, sanay na umano siyang kinukwestyon ang kanyang pagkalalake magmula nang kanyang gampanan ang gay role as Barbs Cordero sa hit LGBT comedy-drama movie na “Die Beautiful” in 2016 na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana and co-produced ng The IdeaFirst Company and Regal Entertainment. Ang nasabing pelikula ay nakapagbigay kay Christian ng tatlong Best Supporting Actor trophies mula sa Metro Manila Film Festival, Gawad Urian at Luna Awards ng Film Academy of the Philippines.

Nanalo rin siyang Best Actor sa 5th Hanoi International Film Festival para sa pelikulang “Signal Rock” na pinamahalaan ni Chito Rono who co-produced the movie with Regal Entertainment nung 2018.

Muling hinangaan si Christian sa pelikulang “The Panti Sisters” nung 2019 at sa magkasunod na pelikulang “Bekis On The Run” at “Big Night!” nung nakaraang taon (2021).

Nagbabalik si Christian sa pelikulang “Mahal Kita Beksman” na pinamahalaan ng writer-director at producer na si Perci Intalan under The IdeaFirst Company, Viva Films at Powerhouse Media Capital at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa darating na November 16, 2022.

Ang pelikulang “Mahal Kita Beksman” na tinatampukan din nina Keempee de Leon, Katya Santos at Iana Bernaldez ay magsisilbing advance birthday gift kay Christian who is turning 30 on December 6. Base sa trailer ng pelikula, marami ang naniniwala na ito’y papatok nang husto sa mga sinehan.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of ‘TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE