Michelle may bagong boyfriend pagkatapos ng divorce

October 20, 2022 Aster Amoyo 532 views

Michelle1

IT was in 2016 when actress Michelle Madrigal left the Philippine to pursue her education in culinary arts in the US. In Texas, she met Troy Woolfolk, a fitness trainer, social media influencer and former football player. In April 20, 2017 in-announce ni Michelle in her IG account that she and her partner were expecting their first child, si Anika Austin na isinilang nung October 20, 2017.

Pero ipinagbubuntis pa lamang ng actress ang kanilang first baby ni Troy ay nag-propose ang huli sa kanya but they got married on April 13, 2019. But in August 2021 ay nagkahiwalay ang (dating) mag-asawa and their divorce was approved in April 2022.

Pero sa kabila ng paghihiwalay ng dating mag-asawa, nanatili silang magkaibigan dahil na rin sa kanilang anak na si Anika, now four years old.

Last August 2022, Michelle started sharing her picture with her new boyfriend na hindi pa niya sini-share ang identity. The guy is either connected sa US Navy or US Air Force at isa ring divorcee katulad niya. “God answers prayer according to His perfect will, in His perfect timing. This was definitely not in my plan. I wanted to be single for as long as I could…But boyyyyy I’m so glad it happened. It’s so freeing to feel like a lady again. Not having to be in a fight or flight mode all the time. It feels like home,” post niya sa kanyang IG page.

Ang present boyfriend ni Michelle ay nakilala na rin ng kanyang ex-husband na si Troy.

Samantala, isa nang licensed real estate broker ngayon si Michelle sa Austin, Texas kung saan siya naka-base ngayon.

Jane

Ina nasasaktan sa mga paninira kay Jane

ANG dating all-female dance group ng ‘It’s Showtime’ na Girltrends ay may sari-sariling solo career na ngayon tulad nina Jane de leon, Barbie Imperial, Loisa Andalio, Maris Racal, Devon Seron, Miho Nishida, Chienna Filomeno, Mica Javier, Mikee Agustin at iba pa.

Sa lahat ng mga naging miyembro ng Girlftrends, masasabing si Jane ang tanging binigyan ng napakalaking launching project sa pamamagitan ng tumatakbo ngayong “Mars Ravelo’s Darna” where she plays the iconic title role.

Jane will be celebrating her 24 th birthday next month, November 22.

Samantala, hindi ikinakaila ng mommy ni Jane na si Marie na nasasaktan umano siya kapag may lumalabas na balita na hindi maganda tungkol sa kanyang dalaga lalupa’t hindi naman totoo.

“Natural lang siguro sa kahit sinong ina o magulang ang masasaktan kapag tinitira ang kanilang mga anak kahit wala itong ginagawang masama at basehan ang kanilang mga balita,” pahayag ng ina ni Jane.

Ken

Ang tunay na dahilan bakit hindi nagkatuluyan sina Ken at Rita

HINDI lamang maganda ang takbo ng acting career ni Ken ChaN bilang Kapuso actor kundi bilang isang matagumpay ng negosyante.

He co-owns ten gasoline stations at tatlo na rin ang branches ang kanyang Café Claus na siya mismo ang nag-create at nag-develop.

Kung nanaisin ni Ken na magkaroon na ng sarili niyang pamilya at puwede na pero marami pa siyang mga pangarap na gustong gawin laluna sa kanyang pamilya.

Isa ito sa mga rason kung bakit nag-drift apart ang kanilang relasyon ng kanyang (dating) ka-loveteam sa GMA na si Rita Daniela who is about to give birth sa kanyang unang baby courtesy of her non-showbiz boyfriend.

“I am happy for her,” pag-amin ni Ken.

Pero sa kabila nito ay nananatili pa ring magkaibigan sina Ken at Rita. For our exclusive conversation with Ken, please watch “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel starting today, Friday, October 21 at 12:00 noon. Don’t forget to SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE