Default Thumbnail

Kelot tiklo sa shabu sa QC

April 13, 2023 Melnie Ragasa-limena 724 views

ISANG 34-anyos na lalaki ang nahulihan ng 500 gramo ng shabu na may tinatayang halagang higit P100,000 sa isang buy-bust operation sa Quezon city, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) P/Brigadier Gen. Nicolas Torre III, ang nadakip na suspek ay isa sa mga “most wanted drug traffickers” ng Novaliches sa lungsod.

Sa ulat ng Novaliches Police Station 4, inilatag ang operasyon sa isang bakanteng lote sa Barangay gulod bandang alas-7 ng umaga, Abril 12.

Agad na inaresto ang suspek matapos iabot ang isang pakete ng shabu sa isang undercover na operatiba at tanggapin ang markadong salapi.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act.)