KDAlexa

KD at Alexa, magpapakilig

February 25, 2022 Ian F. Fariñas 370 views

Handa na ang loveteam nina Alexa Ilacad at KD Estrada na makasama at mapaligaya ang fans sa Closer: The KDLex FanCon na mapapanood ngayong Sabado (February 26), 8 p.m., sa KTX.ph at SKY Pay-Per-View.

Mula sa pagkakaibigang nabuo sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition, maghahatid ang KDLex ng kilig, musika at saya sa fan convention na handog ng ABS-CBN Events at kumu.

Si Robi Domingo ang magsisilbing host at makakasama rin dito ang dating housemate ng KDLex na si Shanaia Gomez bilang special guest.

Mabibili ang regular tickets sa ktx.ph habang sold out agad sa loob ng isang oras mula release ang SVIP at VIP tickets. Pwede ring mapanood ang event sa SKY Pay-Per-View.

Noong Biyernes, nagsanib-pwersa ang KDLex para sa dalawang bagong kanta na Misteryo at When I See You Again mula sa Star Pop label ng ABS-CBN.

Si Alexa ang sumulat ng Misteryo na may karagdagang lyrics mula kay Eunice Jorge.

Sina Alexa at KD naman ang sumulat ng When I See You Again na prinodyus ni ABS-CBN Music Creative Director Jonathan Manalo.

AUTHOR PROFILE