Kim

KimXi, 20 times mag-video call kada araw

February 25, 2022 Vinia Vivar 838 views

After ng Valentine getaway nina Kim Chiu at Xian Lim ay magkahiwalay na ulit ang showbiz couple dahil sumabak na ang aktor sa lock-in shoot ng pelikula nila ni Ryza Cenon na Sa Muli.

Kaya naman sa Instagram account ni Xian ay parehong nagpahayag ang dalawa na nami-miss na nila ang isa’t isa na ikinakilig ng kanilang fans.

Nag-post si Xian ng sweet photo nila ni Kim habang nasa Balesin at sa comment section ay sumagot ang aktres ng “awww!!!! Miss yew!!!”

Nag-reply naman si Xi ng “@chinitaprincess I miss you mooore.”

Super kilig ang KimXi fans at komento nila, napaka-sweet talaga ng dalawa.

Sa recent vlog ni Kim na “Our Valentines Date/Trip +Q&A” ay naikwento ng KimXi na sa isang araw ay napakaraming beses nilang magtawagan at talagang telebabad sila.

“Video call talaga kami nang super,” sey ni Kim.

“Mababa ang 20 (times). Yeah, umaabot ng 20 kasi pagkagising pa lang, ilan na ang tawag natin sa isa’t isa. Lunch, ‘kumain ka na ba?’ dinner, tapos ’pag may ginagawa, ‘sige mamaya na lang after work.’ Bago matulog. So, maya’t maya,” sabi ni Xian.

Kwento pa ni Kim, paggising ni Xian, ang unang ginagawa nito ay tinatawagan na siya agad.

Well, hindi kami magtataka kung mapunta na talaga sa kasalan ang relasyon nina Kim at Xian.

FRESH SA KAMPANYA 

Fresh na fresh ang aura ni Ciara Sotto sa kabila ng pangangampanya para suportahan ang presidential bet niyang si Ping Lacson at daddy niyang si Tito Sotto, na kandidato namang vice president.

Sa video post niya sa Instagram, makikita ang saya ni Ciara sa mainit na pagtanggap sa Lacson-Sotto tandem sa Baguio City kamakailan.

Dahil sa suporta at magagandang salita na binitiwan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong para kina Lacson at Tito Sen, nagpasalamat si Ciara sa alkalde.

“Thank you so much Mayor Magalong of Baguio City for taking us on a walking tour of the iconic Session Road. Thank you so much also, for your unwavering support for the #LacsonSotto tandem,” caption ni Ciara sa video post.

Para kay Mayor Magalong, sina Lacson at Sotto na may malawak na karanasan sa pamumuno at may magandang plataporma ang kailangan na lider ng Pilipinas dahil napakalaki ng problema ng bansa.

Inilarawan niya na parang nasa kumunoy ang Pilipinas kaya hindi dapat magbakasakali na subukan ang ibang lider dahil anim na taon ang masasayang upang makaahon ang bansa sa napakaraming problema. Kabilang diyan ang malaki nating utang na dapat bayaran.

Bukod kay Ciara, all-out din ang support, of course, ng hipag ni Tito Sen na si Pauleen Luna sa Lacson-Sotto tandem.

Nag-post si Pauleen ng larawan ng mister niyang si Vic Sotto na itinataas ang kamay nina Sen. Lacson and Tito Sen na tinawag niyang “men of integrity.”

“My hope is in these two men! Men who fear the Lord, men who values their families, puts our countrymen’s needs first and implements discipline. Men of integrity.

“Two of the most experienced, with 42 years of public service (their years put together) i believe that they are who our country needs. True leaders lead by example! Competent, passionate, transparent and God fearing,” caption ni Pauleen.

AUTHOR PROFILE