Mikael

Pilot ng ‘The Best…,’ namayagpag sa ratings

February 25, 2022 Ian F. Fariñas 351 views

MATAPOS mamayagpag ang pilot episode, handa na namang mambulabog ang bagong Kapuso show ng real-life couple na sina Mikael Daez at Megan Young na The Best Ka! sa panghapon nitong timeslot bukas, Linggo, 3:50 p.m.

Base sa preliminary overnight data ng NUTAM Peoples Ratings (Nielsen Phils. TAM), tinutukan ng viewers ang premiere ng The Best Ka! na nakakuha ng 5.1 percent ratings.

Ngayong linggo, humanda na muling ma-amaze sa mga unlikely at incredible na taong ipi-feature ng pinakabagong infotainment program ng GMA Network.

Kabilang sa makikilala n’yo si Ayanna Williams, ang record-breaking na babae na may pinakamahabang kuko sa buong mundo.

Paano nga kaya siya magbukas ng mga bote ng nail polish at paano niya ina-apply ito sa kanyang mga kuko?

Kialalanin din ang titleholder ng world’s tallest high-top fade na si Benny Harlem na dalawang oras na-perfect ang kanyang 20.5 inch-tall hairstyle.

Mapapanganga naman kayo kay Giorgia Santi na world record holder din sa larangan ng most pine boards sa loob lamang ng isang minuto.

Alamin ang istorya at kilalanin ang iba pang kakaibang feat ng extraordinary na mga nilalang na ito na kabilang sa Guinness World Records kasama sina Mikael at Megan sa isa na namang exciting edition ng The Best Ka! bukas, Linggo, 3:50 p.m., sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE