Kawani ng gobyerno tiklo sa ‘child abuse’

August 9, 2022 Jonjon Reyes 70 views

DAHIL sa pinaiiral na “Oplan Pagtugis” o Manhunt Charlie ng Manila Police District (MPD), arestado sa bisa ng arrest warrant ang isang 52-anyos na kawani ng gobyerno dahil sa kasong Republic Act 7610 o Child Abuse Law sa Delpan Evacuation Center sa Binondo, Manila, nitong Lunes ng hapon, Agosto 8, 2022.

Ang suspek ay pawant taga-Quiapo, Maynila.

Base sa isinumiteng ulat ni PEMS Vicente Mabborang, hepe ng Station Warrant Section kay P/Lt. Col. Ramon Nazario, commander ng MPD Barbosa Police Station 14, bandang 2:30 ng hapon nang ikasa nila ang warrant of arrest laban sa suspek sa nasabing lugar.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Mariesther Vedana ng Regional Trial Court Branch 48 dahil sa kasong paglabag sa Section 10 (A) ng R.A 7610 na may petsang Hunyo 30, 2022 at may inirekomendang piyansang P80,000.

Ang nasabing suspek ay kabilang din sa “most wanted person” ng station level ng himpilan ng pulisya sa buong lugar ng Barbosa at Globo de Oro sa San Miguel, Quiapo, Maynila.

AUTHOR PROFILE