Gladys

Kathryn, bet sampalin ni Gladys!

December 2, 2023 Vinia Vivar 166 views

Si Gladys Reyes ang itinuturing na sumusunod sa yapak ni Maricel Soriano bilang aktres na pinapangarap masampal ng mga baguhang artista.

Isa na nga rito ang award-winning young actress na si Jhassy Busran at natupad na ang pangarap niya dahil sa pelikulang Unspoken Letters kung saan ay may eksenang sinampal siya ni Gladys.

Natanong namin ang aktres kung ano ang pakiramdam niya na feel magpasampal sa kanya ng mga artista at aniya ay nakaka-flatter.

“Super-flattered. Saka nakakatuwa po na nakatawid ako sa mga batang henerasyon na kilala pa rin nila ako,” aniya.

Natanong nga rin namin kung sino namang artista ang pangarap niyang sampalin and agad-agad na sinabi niya si Kathryn Bernardo.

“Parang ang sarap-sarap apihin ni Kathryn Bernardo because nakita mo ‘yung aura niya, para ring nakikita ko si Judy Ann (Santos) na ‘pag kawawa, kawawa talaga.

“At saka hanga rin ako sa batang ‘yun kung papano humugot ng emosyon,” sey ni Gladys.

Samantala, sa Unspoken Letters ay hindi masabi ni Gladys kung kontrabida ang role niya.

Panoorin na lang daw ang movie na showing na sa Dec. 13 sa mga sinehan.

Kasama rin sa cast sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Simon Ibarra, Matet de Leon, Deborah Sun, Daria Ramirez at marami pang iba mula sa direksyon nina Gat Alaman, Paolo Bertola at Andy Andico.

Ito ay mula sa produksyon ng Utmost Creatives.

AUTHOR PROFILE