Nadine Larawan mula sa IG/@nadine at @bernardokath

Nadine sa KathNiel breakup: ‘Tagal din nung 11 years’

December 2, 2023 People's Tonight 150 views

TILA may panghihinayang ang aktres na si Nadine Lustre sa paghihiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa tagal ng naging kanilang relasyon.

Sa panayam kasama ang One PH, hiningi mula sa ‘Roadkillers’ actress ang kanyang naging reaksyon sa breakup ng KathNiel.

“Ano ‘yung naging reaksyon mo rin na, 11 years, they were together for 11 years. As a friend I supposed kasi kayo ‘yung mga nakikita na LizQuen, kayo ni James Reid tapos sila KathNiel,” saad ni Cheryl Cosim kay Nadine.

Sey ng aktres ay wala naman daw siyang masasabi sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel dahil hindi naman daw niya masyadong ka-close ang dalawa.

“I can’t really say so much about it because I’m not super close to them. So I don’t think I’m able to comment anything,” pahayag ni Nadine.

“Pero ang tagal din nung 11 years,” dagdag pa niya.

Matatandaang nitong gabi ng Huwebes, Nobyembre 30, ay halos magkasabay na naglabas ng statements ang KathNiel kung saan kinumpirma nila parehong tapos na ang kanilang 11-taong relasyon.

AUTHOR PROFILE