Marissa

Marissa, magre-retire na sa pagku-concert

December 2, 2023 People's Tonight 137 views

INANUNSYO na ng singer-actress-comedienne na si Marissa Sanchez na malamang na maging “retirement concert” na niya ang Valentine’s in December sa Samsung Hall, SM Aura sa December 8.

Last year pa gustong mag-concentrate ni Marissa sa acting. Nagkaroon siya ng cameo appearances in a few dramatic films this year at maganda naman ang naging feedback sa kanya.

“Tingin ko, performer talaga ako, pero ‘yun ang nakakapagod na part,” pag-amin niya. “Mayroon na akong saturation point and I’m aging already. Since 1980, I’ve been performing, singing and dancing. Nag-ballet ako, nag-jazz ako. Pero walang pera sa dancing. My mom, who was a singer, pushed me to perform on stage. Gusto ko talaga maging artista.”

Ang namayapang singer-comedian na si Robert Em umano ang nagpayo sa kanya na mag-comedy.

“Kahit na ang galing-galing mong kumanta, balewala ‘yan kung mataba ka,” sabi pa raw ni Robert kay Marissa.

“So sinubukan kong mag-comedy with the help of Rico J. Puno and Arpee and the Multi-Vitamins. Natutunan ko ang comedy kay Arpee aside from Rico Puno na may pagkabastos talaga ang humor niya. Iba talaga ang humor niya,” kwento niya.

Naging tamer lang ang comedy ni Marissa nang maging Christian siya.

“Nagbawas ako ng green jokes then nagkaanak pa ako,” diin niya.

Ang last musical comedy concert niya ay ang My Fatty Valentine’s kasama si Eric Nicolas sa 19 East, Parañaque taong 2020.

“That was my final show right before the pandemic,” Marissa recalled. “For this new concert on December 8, very hands on ako. I did the marketing, the sponsorship even ticket selling. Ang beneficiary, ako rin. I’m a PWD and a single mom. Viva Artists Agency helped me out and EV Music Corporation helped mount this concert.”

Ang My Valentine’s in December will feature Ronnie Liang, JM de Guzman, Jeffrey Hidalgo, Wilbert Ross, Dingdong Avanzado and Ogie Diaz.

“In between, I have to interact with my guests, not just my audience,” Marissa said. “Hindi na ako nag- production number kasi may quick changes. Gusto kong maging relaxing ang show.”

Eventually, gusto ni Marissa na magkaroon ng pangalan bilang aktres.

“Gusto kong mag-concentrate bilang isang actor. Palagi akong cameo. Gusto ko naman ng meatier role. Gusto kong mag-focus.

“Alam ko na matagal ko ng ginagawa ang pag-arte since I started in theater. Parang I’m confident that I’m a good actor than a singer. Sa singing, pumapalya na ako. Bumababa na ang voice range mo kasi nga nagkaka-edad ka na.”

Ilan sa mga gusto niyang makatrabaho sina Cherry Pie Picache, Lorna Tolentino, Jodi Santamaria, Dimples Romana at Eula Valdez.

“Ayokong makipagsabayan dahil hindi naman ako lalaban sa kanila,” sabi ni Marissa. “Matuto ka sa kanila. You know that you will learn from them. Gusto ko rin makasama sina John Arcilla, Mon Confiado at Baron Geisler.” Leah Salterio

AUTHOR PROFILE