Piolo

Kathryn at Piolo nagsosyo sa negosyo

October 31, 2022 Aster Amoyo 181 views

SALUDO kami sa young celebrities na marunong mag-invest sa perang kanilang kinikita. Alam kasi nila na ang kasikatan ay hindi panghabambuhay.

Kathryn Bernardo was only 22 years old nang kanyang simulan ang kanyang chain ng KathNails by KCMB sa The Block ng SM North EDSA hanggaang magkaroon ito ng maraming branches. She also co-owns Barbero Blues with boyfriend Daniel Padilla na matatagpuan sa 5th level ng The Block (also in SM North EDSA).

Kamakailan lamang ay nag-venture din si Kathryn sa isang boutique resort in El Nido, Palawan along with Piolo Pascual and other business partners. Ang nasabing boutique resort ay matatagpuan sa Lio Tourism Estate na minuto lamang ang layo sa Lio Beach. Sina Piolo at Kathryn ang nag-cut the ribbon sa resort na sinaksihan ng kanilang mga kaibigan at ibang business partners. Naroon din siyempre ang nobyo ni Kathryn na si Daniel Padilla.

Eleven years na ang relasyon ng magkasintahang Kathryn at Daniel pero hindi nagmamadali ang dalawa sa paglagay sa tahimik kahit pareho nang stable sa buhay maging sa kanilang mga itinayong negosyo dahil may gusto pa silang i-achieve individually.

May suspetsa kami na sa edad na trenta magpapakasal ang dalawa.

Twenty seven na si Daniel at 26 naman si Kathryn.

Iba pang artistang may negosyo

SAMANTALA, ang isa pang fast-rising businessman ngayon , tulad ni Luis Manzano, ay ang Kapuso singer-actor at entrepreneur na si Ken Chan na meron nang sampung gasoline stations (with his business partners) at limang Café Claus chain of coffee store and restaurant na siya mismo ang nag-develop.

Ang actress na si Sam Pinto ay may sarili ring boutique hotel in Baler, Quezon, ang L’Sirene Botique Resort.

Ang actor na si Gerald Anderson ay may beach resort din in Botolan, Zambales, ang Hayati Private Resort na bukas na sa publiko. May gym business rin si Gerald in Quezon City.

May mga negosyo rin sina Heart Evangelista, Kim Chiu at iba pa.

Actor and athlete Derek Ramsay is also a successful businessman gayundin ang Fil-Italian singer-actor na si Matteo Guidicelli. Nariyan din ang Kapuso actress na si Kris Bernal na bukod sa sariling negosyo with her husband, nakabili rin ito ng bahay sa West Covina, California, USA. May bahay din sa Las Vegas, Nevada ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo maging ang young actor na si Nash Aguas.

AlexaDaniel

KD at Alexa gustong magtagal tulad ng KathNiel

IPINAGPAPASALAMAT nina Alexa Ilacad (22) at KD Estrada (20) ang kanilang pagiging bahagi ng reality show na Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 dahil ito ang naging daan ng kanilang pagiging close.

Hindi lamang naging magka-loveteam ang dalawa as they are now more than friends.

Dahil mas nauna na sa showbiz si Alexa (she started as a child actress sa now-defunct kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”), malaki ang kanyang naitulong kay KD in terms of adjustments.

Next to DonBelle loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang KDLex nina KD and Alexa ang next pandemic loveteam na kinagat nang husto ng fans.

Alexa gifted KD recently ng isang gitara na alam niyang magugustuhan ng young singer-actor.

Puring-puri ni KD ang pagiging thoughtful ni Alexa.

Ngayong solid na ang tambalang KDLex, umaasa rin ang kanilang mga supporters na magtagal din ang relasyon ng dalawa tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na 11 years nang magkasintahan at magka-loveteam.

MMFF challenge pa rin kung paano palalakasin

MASAYA ang lead stars ng pelikulang “Deleter” na sina Nadine Lustre, Louise de los Reyes at McCoy de Leon na pinamahalaan ng premyadong director na si Mikail Red under Viva Films dahil nakapasok ang kanilang pelikula sa Magic 8 ng 48th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25 hanggang January 7, 2023. Ang pito pang ibang entries include “Mamasapano (Now It Can Be Told)” na dinirek ni Lester Dimaranan mula sa script ng Palanca award-winning writer na si Eric Ramos under Borracho Films. Tampok sa nasabing pelikula sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao and a host of other actors.

Nariyan din ang “Family Matters” ng Cineko Productions, Inc., ang “My Father, Myself’ng 3:16 Media Network.

Ang naunang apat na entries which was announced last July ay ang “Labyu with An Accent” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria na pinamamahalaan ni Coco using his real name na Rodel Nacianceno under ABS-CBN Film Production, ang “Nanahimik ang Gabi” ng Rein Entertainment Productions, ang ‘Partners in Crime’ na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Ivana Alawi at joint production ng Star Cinema and Viva Films at ang “My Teacher” na tinatampukan naman nina Toni Gonzaga at Joey de Leon under Ten17P.

Although dalawang beses nang nagkasama sa MMFF movie sina Vice at Coco, makailang beses na rin silang nagkaroon ng magkahiwalay na pelikula sa taunang filmfest na muling mauulit sa darating na MMFF.

Pero hangad pareho nina Vice at Coco maging ang ibang participants ng MMFF sa taong ito na sana’y maging simula ito ng muling pagdagsa ng mga tao sa mga sinehan all throughout the year at hindi lamang sa tuwing may festival.

Napakalaking challenge pa rin sa mga producer ang pagbabalik sa mga sinehan ng mga manonood dahil nasanay na ang marami na nanonood na lamang sa iba’t ibang online digital platforms including Netflix, Vivamax, ktx.PH, iWant TFC, Viu at iba pa.

Coco

Relasyon nina Coco at Julia matatag kahit low-key

KAARAWAN ngayon, November 1, ng actor, director at producer na si Coco Martin. He turns 41 today.

Hindi nagpapahuli ang kanyang special someone na si Julia Montes sa pagbati kay Coco sa pamamagitan ng Instagram.

Although mas open na ang relasyon ngayon nina Coco at Julia kumpara noon, nananatili pa ring low key ang dalawa when it comes to their personal lives.

Kung tutuusin, matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa na nagsimula nang sila’y magsama sa hit primetime TV series na “Walang Hanggan” in 2012 na tumagal hanggang 2014.

Natapos ang serye pero hindi ang kanilang relasyon na lalo pang pinatatag ng mga taon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE