Jomari

Abby ’pag nakasal kay Jomari: Iiyak ako nang iiyak

October 31, 2022 Ian F. Fariñas 123 views

NAGING very vocal si Parañaque City Councilor Jomari Yllana sa kagustuhan niyang pakasalan ang girlfriend na si Abby Viduya.

Isa nga ‘yan sa mga napag-usapan nang humarap ang aktor/politiko sa presscon para sa kanyang pagbabalik sa car racing/rally sa pamamagitan ng Paeng Nodalo Memorial Rally na gaganapin sa Subic Bay Freeport sa November 5 at 6.

Panimula ni Jom, “Masarap umuwi sa bahay na kasama mo ang taong mahal mo, ka-match mo.”

“Ang dami na nating pinagdaanan, pandemic and all. You learn to appreciate the little things. Lalo na ang essence ng buhay. Dapat kasi ngayon, ang approach mo sa buhay, positive lang, good life.

Tama na `yung negativity,” dagdag niya.

Ang tanging problema lang kung saka-sakali ay ang magkakahiwalay na pamilya ng magdyowa.

Nasa Amerika ang pamilya ni Jom habang ang kay Abby naman ay based sa Canada.

Kaya tanong niya, “So, saan kaya kami magpapakasal? Hahaha! Pero, ‘pag magpapakasal ka kasi, ihaharap mo sa Diyos, siyempre ‘yung mahal mo talaga. Na dapat paghahandaan talaga.

“Si Abby, gusto ko makita siya walking down the aisle na naglalakad siya titingin sa kaliwa, sa kanan, makikita niya ang mga kaibigan niya, mga pamilya niya, people who are very, very close to you.

“So, ‘yun nga, saan ba kami magpapakasal? Sa Pilipinas ba? Sa Canada ba? Sa Amerika ba?” paulit-ulit na tanong ng aktor/politiko.

Siyempre, kilig at sobrang saya naman ni Abby sa mga sinabi ng kanyang boyfriend.

Diin niya, “I’m happy. We’re always very vocal about how we feel. And our relationship is getting stronger. Always positive. Actually, before coming home, I didn’t want to expect anything. Usapan lang kasi namin, kung hindi kami maging okay together, dapat friends pa rin.

“Pero, nu’ng naririnig ko kanina ‘yung about kasal, kinikilig talaga ako. Ang pula-pula ng mukha habang sinasabi niya `yon. But I’m not kasi the typical na dream wedding girl, kasi siguro nagsawa ako noong gumagawa ako ng pelikula, ang daming beses ko nang kinasal.

“But this one, ito na ‘yon. Siguro, ‘pag nangyari na lang, siguro iiyak talaga ako nang iiyak. Hahaha!”

Pero seriously, looking forward si Abby sa altar date nila ni Jom.

Siyempre, all-out din ang support na ibinibigay niya sa BF sa pagbabalik-karera nito.

Sa mga hindi nakakaalam, si Jomari ang kauna-unahang Pinoy na naka-podium finish sa Yeongam International F-1 circuit sa South Korea noong 2014.

Isa rin siya sa top three winners ng Super Race Round 8 Championship, Accent One category na sinalihan ng top racers sa buong mundo.

Ang racing team niyang Yllana GTR din ang kauna-unahang Pinoy racing team na nagwagi sa naturang event.

Sa pagkakatanda ni Jom, isang taon din siyang nag-training bago sumabak sa Super Race championship.

“Joining it was a dream come true for me, winning in my event was a bonus,” aniya.

At gaya niya, maging ang anak na si Andre ay nahihilig din sa motosport.

“Hilig din nýa, eh. But, I tell him racing isn’t just a hobby. You have to be a professional to make it work,” pahayag ni Jom.

Bukod sa car racing, magiging busy din sa acting si Jom dahil may proyekto siyang sisimulan para kay Direk Erik Matti na pang-international release.

AUTHOR PROFILE