Carla

Carla, inisa-isa ang mga naranasang kababalaghan sa buhay

October 30, 2022 Vinia Vivar 172 views

Dahil horror naman ang tema ngayong mapapanood sa bagong kwento sa Daig Kayo ng Lola Ko, natanong ang isa sa mga bidang si Carla Abellana sa online mediacon last Friday kung in real life ba ay may horror stories din ang kanyang buhay.

“Marami, marami po,” pag-amin ni Carla.

Kwento niya, sa kanyang kinalakhang bahay ng lola niya ay marami siyang naramdamang katatakutan.

“Very old na po ‘yung bahay na ‘yun, talagang marami po kaming na-experience doon, naging parte na po siya ng aking childhood,” aniya.

Iba-iba raw ang kanyang naramdaman sa nasabing bahay, may naririnig siyang mga sound at mga pagpaparamdam.

Pero ang pinaka-nakakatakot daw ay nang magising siya isang madaling-araw na may umiiyak sa tabi niya.

“Natakot po ako no’n and at the same time, naawa. Maliit na boses lang po siya, very high pitch, tapos umiiyak siya. Hindi po siya aso or pusa or whatever,” kwento ni Carla.

Pero in real life ay sobrang hilig niyang manood ng horror films but at the same time ay napakamatatakutin naman daw niyang tao.

“Hindi ko kayang matulog nang walang, let’s say, lamp shade or ilaw na naka-on or TV na naka-mute lang po. Mahilig po ako (sa horror) pero sobrang matatakutin. Medyo contrasting, pero na-enjoy ko po ‘yun,” natatawang sabi ni Carla.

Samantala, after two months of season break, nagbabalik ang Daig Kayo ng Lola Ko ngayong November 6.

Isang bagong kwento ang mapapanood for four weeks every Sunday, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Pinamagatang Game Over, kasama rin ni Carla rito ang mga Sparkle talent na sina Althea Ablan, Cassy Legaspi, Matt Lozano, Will Ashley at Luis Hontiveros mula sa direksyon ni Rico Gutierrez.

AUTHOR PROFILE