Nadine

Kasakiman, inamin ni Nadine

April 2, 2022 Vinia Vivar 306 views

Aminado si Nadine Lustre na may panahong naging greedy din siya pero hindi sa pera kundi sa mga materyal na bagay.

“I am the bread winner of the family. So growing up, whenever I would have gigs before or kaya mga commercial — ’coz that’s what I used to do before.

“So, every time I would get my talent fee, every time I would get my money, it would always be spent on the whole family, on the tuition fee of my siblings,” simulang kwento ni Nadine sa virtual mediacon ng pelikulang Greed kamakailan.

“So, when I started earning more because of the movies and the teleseryes and the endorsements, parang may time na naging greedy ako when it comes to spending on myself just because I didn’t experience, you know, buying the things that I like. Just spending money on myself. So, medyo naging greedy ako nang time na ‘yun,” patuloy ng aktres.

Pero ngayon ay natuto na raw siya at hindi na masyadong nagbibibili ng mga luxury item.

“Eventually, you know, I grew older, and I learned. So, right now, I’m not really the same anymore. I do save the money for the future,” she said.

Pero hindi raw siya nagsusugal o tumataya sa lotto tulad ng kwento ng Greed kung saan ay ginagampanan nila ni Diego Loyzaga ang papel ng young couple na nanalo sa lotto.

Ang Greed ay isang suspense-thriller movie mula sa panulat at direksyon ni Yam Laranas.

Ito ang comeback film ni Nadine after Indak in 2019 at ito rin ang kanyang first Vivamax Original movie.

Greed is streaming on April 8 sa Vivamax.

TIME OUT SA BANGAYANG PULITIKA

Refreshing at pang-time-out sa nakakaumay nang bangayan sa pulitika ang light YouTube interview nina Ciara Sotto at Iwa Moto sa magka-tandem na presidential bet Ping Lacson at running mate niyang si Tito Sotto.

Sa ginawang panayam nina Ciara at Iwa, parang walk o trip down memory lane ang kanilang pag-uusap dahil ipinakita ang mga lumang litrato nina Sen. Lacson at Senate President Sotto.

Tawang-tawa si Ciara nang ipakita ang larawan ng kanyang Daddy Tito noong 1977 na payat pa, balbas-sarado at bukas ang polo.

Kuwento ni Tito Sen, nagpo-produce na siya ng musika nang panahong iyon.

Nagbiro rin siya na hindi niya isinara ang polo niya para ipakita ang kanyang kuwintas na regalo raw ng kanyang one and only wife na si Helen Gamboa.

Naging mahaba naman ang kuwentuhan sa lumang larawan ni Lacson na may katabing bata na kuha noong 1989.

Kuwento ng senador, bagong assign siya noon sa Cebu bilang opisyal ng PNP at ang batang katabi niya ay sinagip niya mula sa mga kidnapper.

Ayon kay Lacson, hindi pa siya nag-aayos ng mga gamit ay kumilos na agad siya para masagip ang bata na apat o limang araw nang nawawala.

“Sabi ko ‘pag ito pumalpak, uuwi na ’ko ng Manila. Wala akong mukhang ihaharap dito, baka sabihin, ako pa nagdala ng malas dito sa Cebu,” lahad ni Lacson.

Ipinagmalaki naman ni Iwa na hindi tinatanggap ni Sen. Lacson ang mga pabuya na ibinibigay ng mga magulang ng mga nasasagip nito.

Dinugtungan pa ni Tito Sen ang usapan dahil nang magpunta raw sila ni Lacson sa Negros Oriental ngayong taon lang, pinuntahan sila ng naturang bata na sinagip ng running mate upang muling magpasalamat sa pagliligtas sa kaniya.

“Mama (malaki) na siya,” sabi ni Tito Sen sa bata na limang taon gulang noon nang masagip ni Lacson at ngayon ay nasa late 30s na ang edad.

Napag-usapan din ang pagkakaroon ng dalawa ng bulaklaking polo pero sinabi ni Lacson na checkered na ang isinusuot niya ngayon na simbolo raw ng hard work.

Pagdating sa basketball, walang pag-aawayan sina Lacson at Sotto dahil magkapareho ang paborito nilang NBA players na sina Lebron James at Michael Jordan plus ang namayapang si Kobe Bryant para kay Tito Sen.

AUTHOR PROFILE