Default Thumbnail

Karnaper nagbenta ng baril sa pulis, timbog

September 8, 2022 Melnie Ragasa-limena 317 views

ARESTADO ang 34-anyos na karnaper nang magbenta ng baril sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Quezon City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Nicolas Torre III ang nadakip na si Jerry Balajadia , 34, binata, at residente ng 102 Cleofas comp Bgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon kay PLT Jorge Villanueva, ng Kamuning Police Station 10, dakong 1:30 ng hapon (September 8), nang isagawa nila ang buy-bust operation sa kanto ng Matapang at Mabilis Sts., sa Bgy.Central, sa lungsod.

Isang pulis ang nagkunwari na bibili ng baril at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang suspek.

Nakumpiska mula kay Balajadia ang isang Taurus caliber .9MM, caliber .45, cellphone at ginamit na buy-bust money

Lumalabas na ang suspek ay dating nahaharap sa mga kasong robbery hold-up, Theft, Carnapping, paglabag sa Section 11 RA9165 at murder.

Ang ginawang operasyon ng kapulisan ay bahagi na rin sa ‘OPLAN PAGLALANSAG’ ng Philippine National Police (PNP).

Inihahanda na ang kasong isasampa laban kay Balajadia.