Kabriton

Kariton ipinamigay sa OrMin vendors

December 29, 2023 Jojo C. Magsombol 200 views

ORIENTAL Mindoro–Namahagi ang Calapan City noong Disyembre 21 ng mga kariton para sa mga manininda sa tulong ng Provincial Public Employment and Services Office (PPESO) na pinamumunuan ni Antonio Magnaye, Jr. sa 72 vendors mula sa iba’t-ibang bayan ng Oriental Mindoro.

Bilang bahagi ng “Kabriton o Kabuhayan sa Kariton,” dati na ang naturang programa ni Bokal Fay Ilano noong siya’y konsehal pa ng Calapan.

Agad inaprubahan ni Gob. Bonz Dolor ang programa na kumukumplemento sa pangkalahatan niyang adhikain na matulungan ang mga nagsisikap na mamuhay nang marangal mula sa pagtitinda.

AUTHOR PROFILE