Inton

Kabayanihan ng mga motorcycle taxis kinilala ng Kongreso — LCSP

February 4, 2022 Jun I. Legaspi 413 views

MAGANDANG balita para sa mga motorcycle taxi riders at passengers.

Ipinasa na ng House of Representatives sa botong 189 – 0 ang “Motorcycle Taxis Act” upang maging legal na ang motorcycle-taxis na isa ng mahalagang bahagi ng public transport sa atin.

Katuwang ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng Angkas at kanilang mga riders sa adbokasiyang maraming taon na rin ang nakalipas.

Masidhing pinasalamatan ng mga riders ang mag-asawang George Royeca at Angeline Tham at lahat ng kanilang walang kapagud-pagod na mga staff at riders, sa pasulong upang maisabatas ang motorcycle taxi.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, hindi naging madali para sa Angkas na makamit ang “legal acceptability” ng Angkas dahil sa mga tumututol dito na dahil diumano ay hindi daw ligtas ang pasahero sa mga motorcycle taxis.

Pero napaniwala at na-kombinse nila ang Kongreso at Department of Transportation (DOTr) at ilan pang mga safety advocates na ligtas talaga ang mga pasahero sa motorcycle taxis lalo na’t dumaan sa tila butas ng karayom na trainings ang mga riders ng Angkas.

At maliban sa Angkas ay may iba pang motorcycle-taxi companies ang kasalukuyang accredited sa pilot program ng Technical Working Group ng motorcycle-taxis upang lalong maging competitive ang industriya.

Sa panahon ng pandemya ay naging aktibo rin si George at ang Angkas sa pagtulong sa ating mga kababayan.

“Sabi ko nga noon na napakalaking tulong ang mga motorcycle riders noong panahon na walang masakyan at matindi ang stay at home campaign ng pamahalaan”, saad ni Inton.

Ayon kay Inton, malinaw pa sa sikat ng araw naiahon ng mga riders ang ekonomiya dahil sila ang frontliners na buong tapang na naghatid ng mga medisina, pagkain at ilan pang mga essential goods sa ating mga kababayan.

Ang pagpasa sa third reading sa House of Representatives ay masasabing pagkilala na rin sa kanilang kabayanihan, saad ni Inton.

Sana ay pumasa na rin ang Senate version at mapirmahan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ito para maging isang legacy ng kanyang administrasyon para sa transportasyon.

AUTHOR PROFILE