JUVENILE JUSTICE JUVENILE JUSTICE–Ang 12th Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week na isinagawa sa Batangas noong Nob. 20. Kuha ni Jojo Cesar Magsombol

Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week ginanap sa Batangas

November 21, 2023 Jojo C. Magsombol 168 views

ISINAGAWA sa Batangas ang 12th Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week na may temang “Nourishing Dreams, Shaping Futures: Ensuring the Right to Health and Well-being of All Children” noong Nob. 20 sa Dalubhasaan Building Sports Complex sa Bolbok, Batangas City.

Inorganisa ng Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) ang programa sa pakikipagtulungan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Layunin ng selebrasyon na maitaas ang antas ng kamalayan ng publiko tungkol sa Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA) at makakuha ng suporta mula sa mga may katungkulan at stakeholders sa pagpapatupad ng batas na ito.

Naging panauhin ang mga kliyente ng Bahay Pag-Asa sa Batangas na nagpakita ng galing sa pagsayaw at pagkanta ng kanilang orihinal na komposisyon.

Nakinig din ang mga tao sa kwento ng inspirasyon ng mga dating child in conflict with the law (CICL) na sina “Charlie at Arnold.”

Ipinaabot naman ni Governor Hermilando Mandanas ang kanyang pagbati at pasasalamat sa pamamagitan ni PSWDO head Flor Lachica. Kasabay nito, namahagi ang kapitolyo ng gift packs sa mga CICL bilang paggunita sa nalalapit na Pasko.

AUTHOR PROFILE