Julia

Julia at Diego, excited sa ‘Will you be my ex?’

February 5, 2023 Ian F. Fariñas 802 views

DiegoPAREHONG excited sina Julia Barretto at Diego Loyzaga sa kanilang muling pagsasama sa trabaho sa pelikulang Will You Be My Ex? ng Viva Films.

Matagal-tagal na rin ang huli nilang pagsasama on screen kaya naman curious ang dalawa sa mga pagbabago sa kanila lalo pa nga’t ngayo’y mas may edad na sila’t mas mature na.

Sa virtual storycon kahapon ng upcoming movie na ididirek ni Real Florido (ng 1st Ko si 3rd), sinabi nina Julia at Diego na sumailalim na sila sa dalawang araw na workshop at nag-dinner bonding pa kasama si Direk Real.

Gagampanan nila sa Will You Be My Ex? ang papel nina Chris at Joey, ang dating magdyowa na labas-masok sa buhay ng isa’t isa.

Makakasama nila sa cast ang bagong Viva baby na si Bea Binene, Benj Manalo, Debbie Garcia, Mickey Ferriols at marami pang iba.

DINGDONG, SINORPRESA NINA MARIAN, ZIA AT SIXTO

IBINIDA ng game master na si Dingdong Dantes sa IG ang sorpresang pagdalaw sa kanya ng misis na si Marian Rivera at mga chikiting nilang sina Zia at Sixto sa set ng Family Feud ng GMA-7 kamakailan. Kaya naman kilig-kiligan ang netizens na nagsabing love is indeed in the air ngayong Buwan ng mga Puso.

Dahil sa ganda ng lahi, may mga nagsabi pa na dapat dagdagan na ng Kapuso royalty pair ang kanilang mga anak.

AUTHOR PROFILE