Ruffa1

Ruffa, kumukuha ng master’s degree

February 5, 2023 Ian F. Fariñas 410 views

MALAKING inspirasyon si Ruffa Gutierrez sa mga tulad niyang single mom na pursigidong maging magandang ehemplo sa kanilang mga anak lalo na sa pagbibigay halaga sa edukasyon.

Sa kanyang Instagram account kahapon, ibinahagi ng aktres na kabilang sa main cast ng nalalapit nang ipalabas na Martyr or Murderer (MoM) ng Viva Films at VinCentiments, na patuloy siyang nag-aaral para sa master’s degree in Communication Arts.

Matatandaan na last year ay nagtapos si Ruffa ng AB Communication Arts mula sa PWU-ETEEAP.

Common knowledge na may kinalaman sa pagbabalik-eskwela niya ang nali-link sa kanyang si dating QC Mayor Herbert Bautista.

Patuloy ni Ruffa sa IG: “Like so many single mothers, I have a great deal of strength and fortitude, and have accomplished and overcome many challenges in my life.

“Staying away from the fray and pursuing my academic dreams. My professor keeps reminding me to keep going.

“After graduating from AB Communication Arts through the PWU-ETEEAP last September 2022, I am currently studying towards a master’s degree in Communication Arts. 2nd Trimester na.

“Thank you, Lord.”

Hindi lang ang pamilya niya’t mga anak na sina Lorin at Venice ang proud sa accomplishments na ito ni Ruffa kundi maging ang malalapit niyang celebrity-friends tulad nina Ciara Sotto, Tim Yap, atbp.

Bukod sa natapos nang MoM, busy din si Ruffa sa iba pang proyekto gaya ng M.O.M.s (Mhies On A Mission) kasama sina Ciara at Mariel Padilla sa AllTV.

AUTHOR PROFILE