Juday

Juday, alagang-alaga si Angelica

September 30, 2022 Jun Nardo 272 views

ALAGANG-ALAGA ni Judy Ann Santos ang kaibigang si Angelica Panganiban simula nang magbuntis.

Lagi raw nagpapadala ng packages at pagkain si Juday nu’ng si Angelica nagbubuntis hanggang sa makapanganak.

“Kulang na lang, siya ang magpaanak sa akin,” bahagi ng caption ni Angelica nang bumisita si Judy sa kanya kasama ang anak na si Luna.

Maramdamin ang mga mensahe ng bawat isa sa kanilang post lalo na’t batid ni Juday na ang magkaroon ng pamilya ang hangad ni Angelica.

NAPAWING AGAM-AGAM

NATULOY na rin ang na-postpone na mall show ng Lolong dahil sa bagyong Karding sa San Pedro, Laguna.

Ginanap kahapon ang mall show sa Atrium ng Robinson’s Galleria South, San Pedro. Present sa show sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Miko Morales, Alma Concepcion at Aicel Arago.

Samantala, ipinagtapat ni Ruru sa isang podcast na ang GF na si Bianca Umali ang naging sandalan niya noong panahong gusto na niyang mag-quit sa showbiz lalo na nu’ng puro problema ang sinapit ng Lolong bago ito maisakatuaparan at matapos.

Pero heto at most-watched sa telebisyon at online ang Lolong, huh!

Napawing lahat ang agam-agam ni Ruru sa takbo ng kanyang career.

AUTHOR PROFILE