Jodi

Jodi, Joshua, Richard at Gabbi sanib sa collab ng GMA, ABS-CBN at Viu

January 24, 2023 Aster Amoyo 257 views

Jodi1Jodi2Jodi3Jodi4Jodi5Jodi6

MAKASAYSAYAN ang kauna-unahang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang giant TV networks sa Pilipinas – ang ABS-CBN at GMA at ang leading global and pan regional over-the-top (OTT) video streaming service, ang Viu.

ABS-CBN and GMA will co-produce their first joint venture with Viu sa pamamagitan ng isang original series na pinamagatang “Unbreak My Heart” tampok sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia (ng ABS-CBN) at Richard Yap (whose career started in ABS-CBN) and Gabbi Garcia (ng GMA) at pamamahalaan ni Manny Palo. Ang nasabing serye ay nakatakdang kunan in Switzerland sa taong ito which will be shown and streamed in 16 other territories which include Philippines, Singapore, Malaysia, Indonesia, Myanmar, Thailand, Hong Kong, India and other parts of Asia maging sa Middle East at South Africa using their local languages and subtitles. Ito’y magiging bahagi ng original production series under Viu Original Initiatives.

Viu offers popular and current content with streaming and download features and localized user interfaces.

Bukod sa lead stars ng unang kolaborasyon ng ABS-CBN and GMA, present during the momentous contract signing (which was held at ABS-CBN last Monday, January 23) were ABS-CBN’s executives na pinamunuan ng Broadcast COO ng kumpanya na si Cory Vidanes, GMA’s Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Groups Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA First Vice-President for Program Management Department Joey Abacan, Viu Philippines Deputy Country Manager, Vinchi Sy-Quia, Dreamscape Entertainmnent head Deo Endrinal at iba pang executives ng tatlong kumpanya.

Ang ground-breaking series na “Unbreak My Heart” ay magsisilbing reunion project nina Jodi at Richard na unang nagtambal sa hit morning series ng ABS-CBN, ang “Be Careful with My Heart” in 2012.

It was on December 16, 2020 when Yap decided to move to its rival TV network, ang GMA months later matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020.

Si Gabbi ay isa sa mga homegrown talents and stars ng Kapuso Network kung saan niya ka-loveteam ngayon ang kanyang real boyfriend na dati ring talent ng Kapamilya Network na si Khalil Ramos.

Sen. Lito at anak na si Mark nagpasalamat sa mga tumulong sa kanila

LapidLapid1Lapid2

BAGO lumabas ang veteran action star-director-producer-turned politician nasi Sen. LitoLapidsa longest-running action-drama series on Philippine television, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay kilala siya bilang si “Leon Guerrero,” ang una niyang pelikulang pinagbidahan na tumatak sa isipan ng publiko. Pero nang lumabas siya sa top-rating series na pinagbidahan and co-directed by Coco Martin kung saan siya gumanap bilang `Pinuno’, ito na ang tawag sa kanya ng mga tao. Kahit sa kanyang muling pagbabalik sa Senado ay malaki ang naitulong sa kanya ng tawag sa kanya na Pinuno.

Last Monday, January 23, humarap ang mag-amang Sen. Lito at Mark Lapid sa kanilang mga kaibigan sa entertainment media para sa isang pre-Valentine get-together lunch na ginanap sa Max’s Roces in Quezon City para ipaabot ang kanilang pasasalamat sa lahat dahil sa patuloy na suporta sa kanila ng publiko at ng kanilang mga kaibigan na sa simula’t simula pa lamang ng kanilang pagpasok sa showbiz maging sa pulitika at public service ay nariyan na.

Lito is a `man of few words’ pero makikita ang sinseridad nito kapag siya’y nakikipag-usap sa tao.

Dahil ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang kanyang mga pinagdaanang hirap at panga-alipusta ng marami dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at hindi umano marunong mag-Ingles, he made sure na nakapagtapos ang kanyang mga anak. His eldest son na si Mark ay hindi lamang nagtapos ng kolehiyo kundi maging ng masteral at kasalukuyang tinatapos nito ang kanyang doctorate degree.

The father and son admit na malaki ang utang na loob nila sa showbiz kung anuman ang kanilang narrating ngayon dahil doon umano sila unang nakilala ng publiko.

Si Lito ang idolo ni Mark kaya nito pinasok ang showbiz maging ang pulitika. Although huminto na siya sa kanyang political career (temporarily), naninilbihan pa rin siya sa government bilang general manager ng Philippine Tourism Authority hanggang ngayon at tulad ng kanyang ama ay naisisingit pa rin niya ang pagiging actor.

Ang mag-amang Lito at Mark ay muling magkasama sa bagong sisimulang action-drama series ni Coco Martin sa ABS-CBN, ang “FPJ’s Batang Quiapo” na tatampukan din ng mga batikang cast tulad nina Lovi Poe, Charo Santos-Concio, Christopher de Leon, John Estrada at marami pang iba which Coco himself stars, co-directs and co-produces at kung saan siya rin ang tumatayong creative director.

Hindi ikinakaila ni Sen. Lito na malaking factor ang kanyang appearance sa “FPJ’s Ang Probinsyano” as Pinuno at tulong ni Coco kaya siya muling nakabalik sa senado.

Saludo ang mag-amang Sen. Lito at Mark kay Coco bilang co-actor at director dahil sa husay at dedikasyon na ipinakikita nito sa kanyang trabaho maging sa kanyang mga kasamahan. Tinatanaw din nilang utang na loob sa actor-director ang kanilang pagbabalik sa showbiz gayundin ang pagtulong nito sa maraming artista na walang trabaho.

Inimbita ni Sen. Lito sa naturang pagtitipon ang unang producer na nagtiwala sa kanya na maging lead actor sa isang action movie mula sa kanyang pagiging isang stuntman sa pelikula, ang retired film producer na si Jesse Chua.

“Wala siguro ako sa harap niyo ngayon kung hindi dahil kay Jesse (Chua),” pahayag ni Lito acknowledging the presence of the former movie producer na matagal nang retiro sa pagpu-produce ng pelikula.

Tuwang-tuwa naman si Jesse sa pagbibigay importansyasa kanya ng actor-politician.

After this term bilang senador in 2025, gusto nang mag-retiro sa pulitika at public service si Sen. Lito pero hindi pa umano niya alam kung saan siya dadalhin ng panahon. Pero looking forward umano siya to spending more time with his grandchildren.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE