Jinggoy

Jinggoy, handang tumulong kay Kris … senatoriable, confident sa boto ni Sharon

April 6, 2022 Vinia Vivar 103 views

KrisSharon

Mas pinaghandaan ni senatorial candidate Jinggoy Estrada ang eleksyon ngayong taon matapos ngang hindi palarin noong 2019.

“I had to re-image or rebrand myself because last elections, eh, natalo ‘ko because of the issues hounding me,” pahayag ng dating senador sa virtual mediacon last Tuesday.

Bukod sa nag-hire ng sariling PR, binago rin niya ang physical look pati na ang pananamit. Kung dati raw ay parati siyang naka-chaleco o jacket, ngayon ay naka-simpleng t-shirt na lang siya o polo.

Ito raw ang payo sa kanya ng ka-partidong si Davao City Mayor Sara Duterte.

“Pinatanggal niya sa akin ‘yung jacket, pinaahit niya ako ng bigote. Para lumambot ang mukha ko sa tao. Kasi ’pag naka-bigote ako, mukhang brusko ang dating ko,” natatawa niyang sabi.

Sinunod niya naman ito at mukhang effective dahil nagmukha siyang bata.

Bukod nga sa nagbago ng appearance ay malaking bagay din daw na nasa UniTeam siya nina Bongbong Marcos at Inday Sara.

Maganda rin ang standing niya sa survey dahil hindi siya nawawala sa top 12 sa listahan ng mga senatoriable.

Sa digicon ay naitanong nga kay Jinggoy kung totoo bang ang iba niyang anak ay ibang Presidente at Vice President ang sinusuportahan.

Ayon sa dating senador, wala itong katotohanan.

May tsismis kasing ang sinusuportahan ng panganay na anak niyang si Janella si Sen. Manny Pacquiao.

“Because she was a staff of Sen. Manny. But now, of course, siya ‘yung inuutusan ko ’pag hindi ako makapunta sa mga rally, siyempre, nag-BBM na rin siya,” paglilinaw ni Jinggoy.

Hindi raw issue sa pamilya nila kung sinuman ang Presidenteng sinusuportahan.

“If any son or daughter of mine will support other candidates, I will not prevent them from doing so. Kanya-kanya kaming opinyon. As long as they will support me,” he said.

Asked kung kumusta ang relasyon niya sa mga kaibigan sa industriyang sina Sharon Cuneta at Kris Aquino, ani Jinggoy: “I am very confident that Sharon will vote for me ’coz friendship goes beyond politics.

“Regarding Kris Aquino, she’s my kumare and she knows that I am a hardworking senator and I hope that she will vote for me.”

Sinabi rin ng aktor/politiko na ipinagdarasal niyang maka-recover si Kris at kung kailangan daw nito ang tulong niya ay magpasabi lang ito.

“If there’s anything I can do for Kris Aquino, I will gladly do it for her. Kung anong gusto niyang gawin ko para matulungan siya sa kanyang medical needs or whatever, in case she needs me, willing ako to lend a helping hand,” paniniguro ni Jinggoy.

AUTHOR PROFILE