Bryan

Pagtakbo ni Bryan sa Agimat partylist, suportado ng non-showbiz gf

April 6, 2022 Ian F. Fariñas 145 views

SUPORTADO ng non-showbiz girlfriend ni Bryan Revilla ang kanyang kandidatura bilang 1st nominee ng Agimat Partylist.

Ito ang tiniyak ng anak nina Sen. Bong Revillat Mayor Lani Mercado nang humarap sa pocket interview kasama ang showbiz press nitong Martes.

Sa edad na 35, hindi umano nagmamadali si Bryan at ang girlfriend niyang ’di rin galing sa political family na lumagay sa tahimik.

Aniya, Okay naman ang relasyon nila. Katunayan, once in a while ay isinasama niya ang GF sa kanyang campaign sorties.

People-person daw ito pero sobrang pribadong tao.

“I can’t complain. I’m happy,” turan pa ni Bryan at nang tanungin kung ’di ba siya naiinggit sa mga kapatid na pamilyado na, aniya, “’Di naman pabilisan ’yan, eh. Hahaha!”

Biro nga raw niya nang minsang magpa-picture kay Sen. Win Gatchalian, “Pagka kinasal si Senator Win, ako na susunod.”

“Kanya-kanyang panahon din naman ’yan, eh. There are people who get married at an early age, there are other people that find love later on in their life. And ’yun nga ang sinasabi nila, ‘when you know, you know.’ Ako I’m just taking my time.

“Timing din ’yan, eh. Parang ‘surprise!’” dagdag niya.

Kahit busy sa pangangampanya, bukas pa rin si Bryan sa pagsabak sa showbiz sakaling may dumating na offer.

Pero aniya, kung meron man siyang natutunan sa pandemic, ito ay ang pagtatrabaho sa likod ng kamera.

Sa kasagsagan ng Covid-19, dinirek niya ang kauna-unahan niyang docu tungkol sa lolong si former Sen. Ramon Revilla Sr.

na ipinalabas sa GMA News TV at napapanood din sa YouTube.

Bukod sa sariling YT channel, naging abala rin si Bryan sa Manila’s Chronicles channel na naglalayong makatulong sa pagpapalaganap ng motosports culture sa ’Pinas.

Bilang 1st nominee naman ng Agimat Partylist, isinusulong niya ang panukalang Workers, Health and Economic Agenda oras na mahalal sa Mayo.

Nakatuon ang programang ito sa kapakinabangan ng medical frontliners, OFWs, mga nawalan ng trabaho, atbp.

“Hindi ko rin kalilimutan ang mga manggagawa at artista natin sa Arts, Entertainment and Film Industry na nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya at krisis. Malapit sa puso ko ito,” patuloy ni Bryan. “At siyempre po, magiging boses rin tayo ng mga kabataan. We are going to forward an enhancement of free and accessible education for all. Hindi na lang siguro tuition, pati kagamitan na kailangan nila. There, we build our hope — to the youth,” diin niya.

AUTHOR PROFILE