Barbie

Barbie, certified Marites

April 6, 2022 Jun Nardo 218 views

CERTFIED “Maritess” si Barbie Imperial, huh!

Yes, saksi kami nang mag-guest siya sa isang edition ng “Maritest” ng Lunch Out Loud ng TV kung saan isa kami sa guests na Marites.

Imagine, pati ‘yung lumang tweet ng ex-girlfriend ni Kit Thompson, nahulaan niya ang name ng girl, huh!

To think na 2012 pa ‘yung tweet na ‘yon at naungkat nang masangkot ang aktor kay Ana Jalandoni, huh!

Pero matagal bago kami makalimutan ni Barbie dahil ang winning answer sa tanong ay kami lang ang nakaalam sa mga guest na Marites that edition.

Naku, panoorin ang guesting ni Barbie sa “Maritest” sa Lunch Out Loud na runaway Marites!

BAGONG PACKAGING

WALANG problema kay Senator Jinggoy Estrada kung binago ang kanyang packaging ngayon bilang kandidato.

Iba ang look, suot at hindi na ‘yung dating parang action star, huh!

Kung handa si Sen Jinggoy sa pagbabago sa bagong kampanya ngayon, malungkot naman siya sa state ng film industry lalo na nu’ng nagkaroon ng pandemic.

In fact, may nagawa pa siyang movies na waiting pang maipalabas.

Eh, sakaling palarin muli sa Senado, marami pa siyang gagawin para sa bayan at sa mga manggagawa.

AUTHOR PROFILE