Luis

Jessy, pinaglilihian si Luis

August 20, 2022 Vinia Vivar 325 views

Inamin ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na bago pa man nabuntis ang aktres ay matagal na silang nagta-try na makabuo ng baby.

“We’ve been trying for months. Every time na, siyempre, hindi kami papalarin, malulungkot kami,” pagbabahagi ni Jessy sa kanyang vlog.

Kaya dumating daw sa point na hindi na siya nagpe-pregnancy test.

“Hindi na ako umaasa. Tapos ’pag magkakaroon ako (ng period), naiiyak ako. So, parang dumating sa point na hindi na rin kami masyadong pressured,” aniya.

“Kumbaga, nag-usap kami (ni Luis), ‘let’s have fun na lang, let’s enjoy, antayin natin kung kailan ibibigay talaga sa atin ni Lord,’” patuloy ng aktres.

Dagdag naman ni Luis, “Nandu’n ‘yung effort pero as much as possible hindi namin hinayaang ma-stress kami kung ibigay agad ni Lord or hindi.”

Inamin nilang nag-expect sila na makakabuo sila sa Dubai.

Matatandaang early this year ay nagtungo sila sa nasabing bansa para magbakasyon at dalawin ang ama ni Jessy.

“Lagi tayong may expectation na ’pag nababakasyon tayo na du’n mabubuo. Or like kapag talagang sinunod natin ‘yung date o kaya yung… parang hindi ka na nag-enjoy du’n sa lovemaking,” sambit pa ni Jessy.

“I’m sure couples would relate na parang hindi na kayo nag-enjoy doon sa lovemaking as a married couple,” ulit ng aktres.

Natatawa namang sabi ni Luis, “Gusto ko lang sabihin Howhow, lahat ‘yun na-enjoy ko, ha? Gusto ko lang klaro ‘yun.”

Pagdating sa pinaglilihian, wala raw ibang gusto si Jessy kundi ang laging dumikit kay Luis.

Naging clingy daw siya mula magbuntis.

At ngayong expecting a baby na nga ang mag-asawa, needless to say ay sobrang happy sila at looking forward na sa bagong chapter ng kanilang buhay bilang mga magulang.

SABAK AGAD SA TRABAHO

Hindi napigilang mapaiyak ni Ruru Madrid nang biglang sumulpot ang girlfriend na si Bianca Umali sa South Korea kamakailan para bisitahin siya.

Mahigit isang buwan din kasing nanatili sa Korea si Ruru para sa filming ng bagong Kapuso reality show na Running Man Philippines.

Walang kaalam-alam ang aktor na susunod doon si Bianca at susorpresahin siya.

Makikita naman sa kanilang mga Instagram post ang kanilang mga bonding moment sa Korea at obvious na talagang nag-enjoy sila.

Nakauwi na ng Pilipinas ang dalawa pero a few days ago lang ibinahagi ni Bianca sa kanyang IG ang video ng pag-sorpresa niya kay Ruru.

“Saved the best bit for last. YES – HE CRIED,” caption ni Bianca.

Aliw ang video na makikitang nagtatago ang aktres sa isang pader at hinihintay na lumabas si Ruru sa hotel.

Nang lumabas na ang aktor ay lumapit si Bianca at kitang-kita naman talaga kay Ruru na gulat na gulat siya at tila hindi makapaniwalang nasa harapan niya ang girlfriend.

Mahigpit na niyakap ni Ruru ang nobya. Ang tagal ng pagkakayakap nila at ‘yun pala ay umiiyak na ang aktor.

Samantala, pagdating na pagdating ni Ruru ay sumabak agad siya sa trabaho sa kanyang hit seryeng Lolong.

Kasalukuyan siyang nasa Davao kasama ang iba pang cast para dumalo sa Kadayawan Festival at magpasalamat na rin sa mga Dabaweno na sumusubaybay sa Lolong.

Nagkaroon sila ng mall show kahapon sa sa Atrium ng Gaisano Grand Citygate Mall sa Davao at ngayong Sunday, joint forces ang team Lolong at ang Start-Up PH leading men na sina Alden at Jeric Gonzales para maghatid ng good vibes sa “Pamulak sa Kadayawan Float Parade.”

AUTHOR PROFILE