Jerald Napoles

Jerald gusto nang magkaanak kay KIm

September 24, 2023 Aster Amoyo 278 views

ALTHOUGH may strong following na ang tambalan ng magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles pagdating sa pelikulang kanilang ginagawa, they are still performers individually bilang singers at actors.

May mga proyektong hindi magkasama ang dalawa tulad na lamang ng pelikulang “Instant Daddy” kung saan si Jerald mismo ang main lead actor kasama ang mahusay na child actress na si Althea Ruedas, Ryza Cenon, Danita Paner (in her comeback movie), Nikko Natividad at MC Muah. Ito’y dinirek ng award-winning director and screenwriter na si Crisanto Aquino under Viva Films at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide simula sa darating na October 4, 2023.

Drama-comedy ang tema ng pelikula na adaptation sa global blockbuster hit Mexican movie na “Instructions Not Included”.

Jerald plays the role of Val na isang taxi driver na magiging instant father ni Mira (Althea Ruedas), ang batang iniwan sa kanya ni Julie (Danita Paner), isang spa therapist, isa sa mga nakarelasyon niya at nagsabing siya ang ama.

Hindi man siya handa na maging ama ng bata, inalaagan niya ang bata at ibinigay ang pagmamahal at obligasyon ng isang ama hanggang isang araw ay bumalik si Julie para bawiin si Mira. Ipaglalaban ba ni Val ang kanyang ginawang sakripisyo at pagmamahal sa bata? May karapatan ba siya? Ang mga kasagutan ay malalaman lamang sa kabuuan ng pelikula kung saan sinubok ang pagiging isang seryosong actor ng isang comedy actor na si Jerald.

Nagpapasalamat si Jerald una sa kanyang home studio, ang Viva sa tiwalang ibinigay sa kanya para pagbidahan ang isang napakagandang family drama movie, pangalawa sa director na si Direk Cris at sa bumubuo ng cast who made it possible for him na maitawid ang hinihingi sa kanya ng role na kanyang ginampanan.

Ayon kay Jerald mismo, hindi siya nahirapan sa pag-portray ng isang ama sa movie kahit hindi pa siya tatay sa totoong buhay dahil sanay umano siyang mag-alaga sa kanyang mga pamangkin nung sila’y maliliit pa na iniiwan sa kanya para alagaan.

In time, gusto rin umano nilang magkaroon ng sariling anak ng kanyang longtime partner na si Kim Molina.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE