Bong

Sen. Bong may double celebration

September 24, 2023 Aster Amoyo 288 views

Bong

Bong

Bong

ACTOR-producer and politician, Sen. Ramon `Bong’ Revilla, Jr. (Jose Mari Bautista in real life) was born on September 25. 1966 and he turns 57 today. As he turns a year older, he is also celebrating his 50th anniversary in showbiz kaya isang malaking selebrasyon ang gaganapin ngayong gabi sa grand ballroom ng Okada Hotel – Manila kung saan inaasahan ang pagdalo hindi lamang ng kanyang mga kaibigan sa larangan ng pulitika kundi laluna sa showbiz kung saan siya nagsimula when he was seven years old.

Married to his lovely wife, actress-politician, Rep. Lani Mercado for the last 37 years, ang celebrity couple ay nabiyayaan ng pitong anak na ang isa sa mga ito, si Maria Alexandra Bautista, their 4th child ay pumanaw when she was only 26 days old since birth due to heart condition. Ang anim pa nilang mga anak ay sina Leonard Bryan, Jose Lorenzo, Inah Felicia Bautista-del Rosario, Ma. Viktoria Gianna, Franzel Loudette at ang bunsong si Ramon `Ramboy/RV’ Vicente.

Out of the six children, tatlo rito ay sumunod sa yapak ng mag-asawang Bong and Lani hindi lamang sa showbiz kundi maging sa larangan ng pulitika, sina Bryan, Jolo at si Ramboy.

Si Bryan ay kinatawan ng Agimat Partylist, si Jolo bilang kinatawan ng unang distrito ng Cavite matapos siyang manilbihang vice-governor ng Cavite sa loob ng tatlong termino o siyam na taon at si Ramboy naman ay nahalal na bokal ng Cavite. Ang pangatlo nilang anak at panganay sa mga babae na si Inah ay isa nang abogada habang si Loudette ay malapit nang maging isang ganap na doctor.

Aminado ang mag-asawang Bong at Lani na malaki ang utang na loob nila sa showbiz kung saan sila nagsimula at nakilala, isang industriya na kahit kailan ay hindi umano nila tatalikuran.

“Hindi kami nagkakilala ni Lani kung hindi dahil sa showbiz,” nakangiting pahayag ni Sen. Bong. “At malaki rin ang naitulong ng showbiz sa pagpasok namin sa pulitika,” dagdag pa niya.

“I will be forever indebted sa showbiz kung anuman ang narating ko at ng aking pamilya,” patuloy pa ni Sen. Bong.

Since parehong well-loved personalities ang mag-asawang Bong at Lani, inaasahan ang pagdagsa ng kanilang mga kaibigan in and out of showbiz and political arena.

Samantala, during our recent lunch get-together with Sen. Bong, nai-share nito sa amin na nakatakda umano siyang gumawa ng pelikula na pagsasamahan nila ng Kapuso young star na si Jillian Ward na action-drama-comedy ang tema na may pamagat na “Lagot Ka Sa Tatay Ko”. Mag-ama ang papel nina Bong at Jillian sa nasabing pelikula pero for 2024 Father’s Day release ang nasabing proyekto. Ito’y nakatakdang pamahalaan ni Enzo Williams.

“Miss ko na rin gumawa ng pelikula,” ani Bong.

It was in 1973 nang maging bahagi si Bong ng pelikula ng kanyang ama, ang yumaong action star-producer at dating senador na si Ramon Revilla, Sr., ang “Tiagong Akyat”.

Taong 1983 nang gawin ng mag-amang Ramon Revilla, Sr. at Ramon `Bong’ Revilla, Jr. ang pelikulang “Dugong Buhay” na pinamahalaan ni Carlo J. Caparas. Ang nasabing pelikula ang nag-introduce kay Bong bilang action star at kasunod na rito ang kanyang mga solo projects na siya na rin mismo ang pangunahing bida tulad ng “Boboy Tibayan: Tigre ng Cavite,” his first solo movie bilang action star and the rest ay history nang maituturing.

Through the years bilang isang action star, Bong earned the title na “Titanic Action Star” dahil sa pagiging hit ng kanyang mga pelikula.

Aminado si Bong na ang kanyang yumaong ama ang kanyang idolo at mentor nang kanyang pasukin ang showbiz when he was only seven years old. He was seventeen years old when he was introduced to his talent manager up to this day, ang veteran entertainment columnist, talent manager at dating TV host na si Lolit Solis na itinuturing niyang nanay-nanayan in showbiz.

Malalaking papremyo sa mga mananalo sa Young Creatives Challenge

ANG Department of Trade and Industries (DTI) na suportado ni Sen. Imee Marcos ay nag-organize ng battle of creativity sa pamamamagitan ng Young Creatives Challenge (YC2) na bukas sa iba’t ibang kategorya in the fields of songwriting, playwriting, screenwriting, graphic novel, animation and game development maging sa online content creation. Ang nasabing competition ay bukas sa lahat ng Filipino citizens mula sa edad 18 hanggang 35 either individuals or teams.

Ang mga participant ay kailangang mag-submit ng kanilang sariling original creations na sila rin mismo ang may likha. Lahat sila ay binibigyan ng open and free subject of their own liking.

Last Sunday, September 24, 2023, ni-launch ng DTI ang ilang activity na may kinalaman sa Young Creative Challenges competition which was live streamed sa pamamagitan ng DTI Philippine Facebook Page. Isa itong exclusive gathering ng mga prospective participants mula sa iba’t ibang colleges and universities nationwide kasama ang mga esteemed colloborators at potentional producers mula sa pribadong sector at iba’t ibang creative industries.

Ang semi-finals ay nakatakdang gawin ngayong October 2023 kung saan ihahayag ang Top 30 Creators at kasunod na rito ang pagpili ng Top 10 Grand Finalists. Ang Grand Finals ay gaganapin sa buwan ng November 2023.

Para sa mga mananalo sa anim na main categories, naghihintay sa kanila ang malaking cash prizes and millions-worth ng promotions, incentives, registration of intellectual property at posibleng production or commercialization.

May naghihintay ding premyo para sa online content creator na magpapakita ng kanilang kakaibang talent na may impact by raising awareness na may kinalaman sa Philippine Creative Industries. Ang nasabing kategorya ay gagamit ng kanilang TikTok account for entry submission.

For other information about the competition ay mangyari lamang sundan ang Young Creatives Challenge sa pamamagitan ng social media channels and website www.youngcreativeschallenge.com.

AUTHOR PROFILE