Default Thumbnail

Japanese engineer nakitang ‘nakabigti’ sa tulay sa Pampanga

August 18, 2023 Bernard Galang 160 views

ISANG Japanese engineer ang natagpuang nakabitin sa isang tulay sa Pampanga noong Huwebes.

Sa ulat kay PRO 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., sinabi ng hepe ng pulisya ng Mabalacat City na si Lt. Col. Abraham Abayari na kinilala ng kanyang Koreanong katrabaho ang Japanese na 42 anyos at pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Clark Freeport Zone.

Ayon sa CDC PSD Command Center sa Clark Freeport Zone, ipinaalam sa kanila ang insidente ng Koreanong katrabaho ng biktima sa Texas Instruments.

Ayon sa testigo, noong gabi bago ang insidente, naghiwalay sila para pumasok sa kanila-kanilang hotel room at napagkasunduang magkikita bandang alas-8 ng umaga kinabukasan sa lobby ng hotel para sabay na magtungo sa kanilang trabaho.

Peo hindi na sumipot ang biktima sa lobby at hindi din nag-report sa trabaho hanggang sa natagpuan na lamang na nakabitin sa tulay ang biktima.

AUTHOR PROFILE