Janine at Paulo magkasamang aalis papuntang Amerika

March 12, 2022 Aster Amoyo 734 views

MAGKASAMANG aalis patungong Amerika ang tatlo sa mga alaga ng talent manager na si Leo Dominguez na sina OPM King, singer-composer-host na si Ogie Alcasid, ang singer-actress na si Janine Gutierrez at ang actor na si Paulo Avelino para sa isang series of concerts sa California, USA na magsisimula sa Alex Theater in Glendale on March 26 (Saturday) na susundan ng Sycuan Casino Resort & Spa in San Diego on April 2 (Saturday) and on April 3 (Sunday) sa Morongo Casino Resort in Cabazon.

Sina Janine at Paulo ay unang nagtambal sa hit romantic-comedy TV series na “Marry Me, Marry You” bilang sina Camille at Andrei habang regular namang napapanood si Ogie bilang host-performer sa “ASAP Natin `To” kung saan din kasama si Janine. Araw-araw ding napapanood ang mister ni Regine Velasquez sa noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” bilang isa sa hosts-judges.

Although hindi pa hayagang umaamin sina Janine at Paulo sa tunay nilang relasyon, nagka-debelopan umano ang dalawa sa set ng “Marry Me, Marry You” kung saan din na-rekindle ang naudlot na pag-iibigan noon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Not too long ago ay nagkasamang nagbakasyon sa Palawan sina Janine at Paulo gayundin sina Edu at Cherry Pie.

Hiwalay na si Janine sa Kapuso singer-actor na si Rayver Cruz gayundin si Paulo sa model na si Jodie Tarasek.

NadineNadine1Nadine magiging abala na naman

TIYAK na matatutuwa ang fans ni Nadine Lustre dahil pagkatapos ng mahigit dalawang taong hindi nito paggawa ng pelikula ay muli itong mapapanood sa isang suspense-thriller movie, ang “Greed” na pinagtatambalan nila for the very first time ni Diego Loyzaga mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas at kung saan din tampok si Jeffrey `Epy’ Quizon.

After being away from the limelight for over two years, including a law suit with her home studio, ang Viva Artists Agency (VAA), her break-up with her ex-boyfriend and loveteam partner James Reid and other challenges including depression, Nadine is back to resume her showbiz career.

Mula sa ibang bansa, humarap si Nadine sa isang solo zoom presscon to promote her comeback movie, ang suspense-thriller film na “Greed” at ipinahayag nito ang kanyang excitement sa kanyang bagong pelikula na kakaiba ang genre kumpara sa kanyang mga past movies na ginawa.

Ayon kay Nadine, graduate na umano siya sa loveteam romantic movies which she did before at gusto na umano niyang gumawa ng mga out-of-the-box projects.

“Gusto kong maging adventurous sa bagong projects na gagawin ko,” aniya.

Inamin din ng singer-actress at music video director na tagahanga umano siya ng writer-director na si Yam Laranas at isa umano sa mga favorite movies nito ay ang “Aurora” na pinagbidahan ni Anne Curtis in 2018. Tuwang-tuwa umano siya when the “Greed” project was presented to her ng Viva at si Direk Yam ang director.

Dubbed as Multi-Media Princess, Nadine admits na may sarili siyang struggles these past few years including the pandemic pero ang maganda, marami rin umano siyang discoveries and learnings along the way.

“Don’t be afraid to explore new things,” says the award-winning actress.

Ngayong aktibong muli si Nadine sa kanyang showbiz career with the help of her mother studio, ang Viva, she is expected to be doing movie projects, teleserye, product endorsements and hopefully, a major solo concert at the Big Dome.

DiegoDiego1Diego handang-handa na pagkatapos mag-recharge sa Amerika

WALA pa sa kalagitnaan ng buwan ng March 2022 ay tatlong pelikula ni Diego Loyzaga ang palabas sa Vivamax. Nauna na rito ang “The Wife” with Louise de los Reyes na dinirek ni Denise O’Hara at ipinalabas sa Vivamax streaming app last February 11. Kasunod dito ang action-drama movie na “Adarna Gang” na dinirek ni Jon Reid at streaming naman ngayong March 16. And on March 25 ay palabas naman ang suspense-thriller movie “Greed” na pinagtatambalan nila ni Nadine Lustre mula sa direksiyon ni Yam Laranas.

Samantala, inamin ni Diego na nakapag-recharge siya nang husto sa kanyang two-month vacation sa Amerika kaya handang-handa na naman siyang sumabak sa sunud-sunod niyang movie assignments sa bakuran ng Viva. At sa kanyang pagbabalik ay nagkaroon din siya ng pagkakataong maka-bond ang kanyang nakatampuhang ama (for 7 years) na si Cesar Montano maging ang kanyang tatlong siblings with Tita Sunshine Cruz na sina Angelina, Cheska at Sam which rarely happens. But this time, they will make time na madalas silang magkasama-sama with their dad na matagal-tagal din nilang hindi nakasama.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” for notifications. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE