Janice4

Janice, ‘di in-expect ang int’l best actress award

September 13, 2022 Ian F. Fariñas 867 views

HINDI pala in-expect ni Janice de Belen na maiuuwi niya ang best actress plum sa International Film Festival Manhattan Autumn para sa kanyang pagganap sa Sugat sa Dugo ng Dragons Productions.

Mula sa istorya at concept ng kaibigang hairdresser/salon owner na si Bambbi Fuentes, ang original short film na ngayo’y full-length movie nang Sugat sa Dugo ay isang advocacy film tungkol sa AIDS.

Nakita raw ni Janice kung gaano ka-devastated si Bambbi nang mawalan ng mabuting kaibigan dahil sa AIDS kaya umoo agad siya nang ialok ito sa kanya.

Sa pocket interview para sa Sugat sa Dugo, sinabi ni Janice na nu’ng una ay hindi siya makapaniwalang nagwagi siya ng award para sa pelikula.

Hindi naman daw niya ginawa ang movie para sa award.

“Tapos nu’ng minessage niya (Bambbi) ako, hindi ako makapaniwala kasi walang awards night, ‘di ka naman nagpunta du’n, ‘di mo narinig talaga from them (na nanalo ka).

“Tapos nu’ng may final announcement na, ‘ay, oo nga, ano? Nanalo ako. Parang alam mo ‘yung in a daze ako for a while? ‘Yung hindi ko alam kung pa’no mo ie-explain sa mga tao, ba’t ka nanalo for that? Alam mo ‘yung pa’no ba ie-explain? Hindi ko rin alam.

“Pero, of course, I’m thankful. And I’m proud and honored. Feeling ko kasi, sa tagal kong ginagawa ‘to and I don’t do big movies anymore, parang feeling ko, qualified pa ba akong manalo sa mga ganu’n? Laging ‘yan ang iniisip ko, parang ko hindi na ako qualified. You always think that there’s always somebody better than you. Which is life.

Reality natin ‘yon,” mahabang kwento ni Janice.

Kasama sina Khai Flores, Mira Aquino, Christa Jocson, Shira Mae Tweg, Sharmaine Arnaiz, Ashley Carpio, Esteven Dayrit, Leone Adriano, Mosh Gerodias Emcel Abuso at RJ Ariar sa ilalim ng direksyon ni Danni Ugali, mapapanood na ang Sugat sa Dugo sa selected theaters nationwide simula Sept. 28.

AUTHOR PROFILE