Kim Chu

Trailer ng KimXi reunion movie, umani ng milyun-milyong views

September 13, 2022 Ian F. Fariñas 403 views

TRAILER pa lamang ang inilalabas, nag-trending na agad ang showbiz pair na sina Xian Lim at Kim Chiu para sa upcoming romance-drama movie nilang Always mula sa Viva Films.

Walong taon ding hindi napanood na magkasama ang KimXi sa big screen kaya naman ganu’n na lang ka-excited ang fans ng dalawa sa muli nilang pagsasama sa nasabing Pinoy adaptation ng sikat na Korean film.

Para sa mga nakapanood na ng original version ng Always, hindi raw nila napigilang mapaluha sa panonood at ganu’n din ang ini-expect nila sa KimXi film oras na ipalabas na ito sa mga sinehan nationwide simula September 28.

Hindi lang fans ang excited sa Always na dinirek ni Dado Lumibao mula sa panulat ni Mel del Rosario kundi maging sina Kim at Xian din.

Sa pocket presscon ng pelikula, binanggit ni Kim na kakaiba ang Always sa lahat ng mga nagawa na nila, hindi rom-com, kaya naman masaya talaga silang mabigyan ng pagkakataon na gawin ang Viva project.

Anyway, isang araw matapos ilabas ang trailer, eh, naka-2.5 million views agad ito online kaya inaasahang tatabo ito nang husto sa takilya dahil sobrang miss na nga silang magtambal ng fans nila.

AUTHOR PROFILE