Zeinab

Zeinab at iba pang ambassadors, pinagkaguluhan sa Beautederm mall show

September 13, 2022 Ian F. Fariñas 161 views

HINDI maikakaila ang kasikatan ng YouTube sensation at social media influencer na si Zeinab Harake nang literal na dumagundong at halos mabingi ang lahat sa tilian ang fans sa Beautederm grand opening at meet and greet sa Ayala Mall Cloverleaf nitong Linggo.

Gaya ng naibalita, isa si Zeinab sa mga bagong babies ng Beautederm president/CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

Kasabay niyang binigyan ng bonggang launching ang aktres na si Beauty Gonzalez nu’ng nakaraang linggo.

Si Zeinab ang brand ambassador ng Beautederm oral care products gaya ng Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash at Etré Clair Mouth Spray habang si Beauty naman ang natoka sa BeauteHaus.

Anyway, nakasama ni Zeinab sa masaya at jampacked na meet and greet ang iba pang Beautederm ambassadors gaya ng real-life couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, JC Santos, Jelai Andres, Boobay at guest performers na sina Maria Laroco (ng 2018 X-Factor UK at Artist Circle) at Buboy Villar.

AUTHOR PROFILE