James Reid & Liza Soberano

James, todo-suporta kay Liza

February 28, 2023 Vinia Vivar 228 views

Nagpahayag ng suporta si James Reid sa talent niyang si Liza Soberano for standing up and speaking up for herself sa pamamagitan ng vlog na inilabas nito last Sunday.

Sa kanyang Instagram story, James wrote a “shout out” for Liza at sinabing proud ang happy siya para sa aktres.

“Proud and happy for you @lizasoberano. I know it takes a lot of courage to go against the grain, to choose the harder path because that’s what you believe in. Thank you for trusting us with your hopes and dream,” James wrote with praying hands emoji.

Sa inilabas na vlog ni Liza last Sunday ay pinuri-puri naman talaga nang bonggang-bongga ng aktres ang buong team ng Careless Music na siyang bagong management niya ngayon.

“I love the way they respected my vision and intelligence as I did theirs,” sey ni Liza tungkol sa team ni James.

“I asked them what the plan was for me and they said ‘I don’t know, you tell us. We’re here to support whatever your dreams are. That’s when I knew I had found my team.

“I had been approached by so many different management companies before, and it was the first time any of them had asked me what I wanted, what made me happy,” pahayag pa ng aktres.

Oh well, hindi na kami nagtataka kung bakit magkasundo sina Liza at James.

It’s because pareho silang mag-isip at parehong gusto nilang mag-explore ng new things palibhasa nga ay mga young blood bukod pa nga sa pareho silang may foreign blood.

May mga nagsasabi ring baka naman naimpluwensiyahan ni James si Liza dahil dati namang hindi ganito ang mentalidad ng aktres at marami nga ang na-shock sa mga sinabi niya sa kanyang vlog partikular na sa parteng sinasabi niya ang kanyang mga hinaing sa naging pamamalakad sa kanyang career.

Anyway, sana nga ay hindi nagkamali si Liza ng desisyon at sana nga’y mapatunayan niya in the end na worth it ang ginawa niyang pagtalikod sa pangalang Liza Soberano.

AUTHOR PROFILE