James

James inilantad na ang tunay na karelasyon, Liza di na sabit

March 18, 2023 Aster Amoyo 395 views

IT was in November 2019 nang magkahiwalay ang dating magka-loveteam at magkasintahang James Reid (29) and Nadine Lustre (29). But they’ve remained good friends.

Si Nadine ang unang nakapag-move on when she met her current boyfriend, ang French businessman at Siargao-based na si Christophe Bariou while si James ay recently lamang naisapubliko ang kanyang relasyon sa kapatid ni Yassi Pressman na si Issa Pressman.

Kung masaya si Nadine sa kanyang relasyon kay Christophe, mukhang ganoon din ang pakiramdam ngayon ng ex-PBB Big Winner-turned singer, actor, music producer, talent manager at celebrity endorse na si James.

“I’m the happiest I’ve ever been,” pagsi-share ng Fil-Australian sa kanyang Twitter account.

Kahit naba-bash si James maging ang kanyang bagong girlfriend na si Issa, the singer-actor and record producer is there to protect his lady-love.

Sa paglantad ng relasyon nina James at Issa ay tuluyan na ring mamamatay ang pagli-link kina James at talent niyang si Liza Soberano who is still in a relationship with her boyfriend na si Enrique Gil.

Liza, herself is now facing controversies and bashing na may kinalaman sa kanyang mga naunang statements na marami ang nasaktan at nag-react.

Gayunpaman, kung masaya ngayon si Liza sa kanyang ginawa at naging desisyon ganundin si James and his new girlfriend na si Issa, let them be.

Mayor Chavit malakas ang showbiz connections

ChavitChavit1Chavit2ANG sikat na 36-year-old South Korean singer, actor, host and entertainer na si Lee Seung-gi ang huling naging special guest ng rich and famous businessman and former politician na si Luis `Chavit’ Singson sa kanyang pinakabagong mansion, ang Sulvec Greece na matatagpuan sa kanyang 7-hectare property in Narvacan, Ilocos Sur.

Bago si Lee Seung-gi ay naparating din sa Pilipinas ni former Vigan governor Chavit Singson ang K-Pop groups na Momoland at Lapillus. Hindi rin makakalimutan ang 2017 Miss Universe candidates na dito sa Pilipinas ginanap which he himself produced and handled.

Unknown to many, si former Gov. Chavit ay may connection sa ilang entertainment agencies in South Korea where he has his own manufacturing business in steel and fibers. Meron din siyang partnership doon sa isang entertainment company na nagti-train ng mga kilalang K-Pop groups and young P-Pop members in South Korea at meron silang ongoing alliances with ABS-CBN.

The business mogul has just built his new mansion, Sulvec Greece na nakatayo sa kanyang 7-hectare property in Narvacan, Ilocos Sur which he personally supervised sa loob ng pitong buwan during the lock-down with 300 construction men.

Kung may sarili siyang mansion sa loob ng kanyang 100-hectare property in Balauarte (also in Vigan), sa bago niyang mansion in Narvacan siya madalas mag-stay ngayon kung saan ay nagpapatayo na rin siya ng sariling chapel and helipad.

“Diyan ako magpapakasal,” biro niya sa amin.

“Pero naghahanap pa ako kung sino ang babaeng pakakasalan ko,” dugtong pa niya.

Napakaganda ng Sulvec Mansion at ang five-beedroom sa main house are all powered by Alexa including the master’s bedroom, boardroom, guest rooms, game room at iba pa. Labas pa rito ang twin villas (duplex) for other others. May sarili ring villa ang mga security, pilots and stewardess ng dating politician.

Ibinahagi rin si amin ni Gov (Chavit) na ang kanyang Golden Tower mansion (where he used to stay) na matatagpuan sa loob ng Baluarte ay kanya umanong ipapagiba at gagawin umano niyang golf course.

There are over 100 employees that he mainstains sa Baluarte at kasama na rito ang Balauarte zoo, Safari Hotel (run by his lovely daughter Trish Singson), Safari Gallery at iba pa. Labas pa rito ang mga tao niya sa bago niyang mansion sa Sulvec in Narvacan.

Sa loob ng 25 years ay walang entrance fee ang Balauarte Zoo and it was only recently na may P50 entrance fee sa pakiusap ng mga tao niya na sa kanila rn napupunta.

Wala ring bayad ang mga stall owners sa loob ng Baluarte kaya kaya nilang magbaba ng presyo ng kanilang mga panindang souvenir items sa mga turista ng lugar.

Sa tatlong buwang taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin sa loob ng Baluarte ay wala rin silang bayad.

Sa Balauarte rin nag-celebrate ng kanilang ika-25th anniversary noon ang namayapang mag-asawang King and Queen of Philippine movies na sinaFernando Poe, jr. and Susan Roces.

Hindi alam ng marami na hindi na rin halos mabilang ang mga scholars na napagtapos at tinulungang mga deserving students ng businessman-politician at marami na sa kanila ay mga professional at may trabaho na including a lawyer.

Gov. Chavit has more than a 100 companies here and in other countries under his own LCS group of Companies na may kani-kanyang sariling CEOs or Chief Operating Officers reporting to him directly at meron din siyang over-all CEO over-seeing all his companies.

In my recent conversation with the `rich and famous’ businessman, he shared to us na nag-donate umano siya sa pamanahalaang Marcos, Jr. ng dalawang fighter jets for the government.

Hindi rin nawawala sa dating politician ang pagtulong sa industriya ng pelikula maging sa telebisyon.

“Kapag nakabuo ako ng sarili kong team, baka ituloy ko rin ang pagpu-produce,” kaswal niyang pahayag.

At 81, ini-enjoy na lamang ni Gov. Chavit ang kanyang buhay kasama ang kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

“Very active pa rin naman ako sa mga negosyo na itinayo ko and I also let my children get involved na rin,” aniya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWB with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE