Allen

Baguhang aktor, nagpraktis sa YouTube maging mayaman

March 18, 2023 Jun Nardo 280 views

PROBINSIYANO ang Sparkle artist na si Allen Ansay. Lumaki siya sa Bicol pero makinis ang kutis at guwapo, huh!

Sa ginawang episode ng Regal Studio Presents na Raya Sireyna, lumabas na mahirap si Allen habang ang kapareha at ka-lovetam na si Sofia Pablo, eh, mayaman.

Pero sa katatapos nilang GMA series na Luv Is: Caught In His Arms, mayaman naman si Allen.

“Inisip ko talaga kung paano ko gagawin ‘yung ganu’n. Hindi ako nagsusuot ng coat.

“Hindi ko alam ‘yung proper… kasi lumaki ako sa probinsiya.

“Nu’ng una talaga, paano ko gagawin ito? Nagpraktis talaga ako with the help of Sparkle. Winorkshop talaga nila ako.

“And with the help of YouTube, para mabuo ko ‘yung character na ‘yon. And nanood talaga ako ng movies, ‘yung Vincenzo, para astig talaga ang galawan. Kay Robin Padilla. Galawang mayaman, hahaha!” pahayag ni Allen.

Para kay Sofia, maraming doors ang nabuksan nang magpareha sila ni Allen.

“Nagkaroon kami ng endorsements. Maraming nagtiwala at kinikilig sa amin ni Allen pati sa vlog. At si Allen, puwedeng maging mayaman at ako, mahirap,” sabi ni Sofia.

“Ibig sabihin, puwede kang ma-in love sa isang probinsiyano, hahaha!” sabad ni Allen.

Endorsers ngayon ng DermClinic sina Allen at Sofia kasama sina Derrick Monasterio, Elle Villanueva at Kelley Day.

BUWENA MANO

SUMABAK na ang Regent Foods sa pagiging blocktimer at ang una nilang handog ay ang Chinese tearjearker family drama na Nasa’n Ka Papa.

Magsisimula itong mapanood sa TV network ni Pastor Quibuloy na SMNI sa March 21, Tuesday, 8-9 p.m.

Sa episode na napanood namin, nakakaiyak ito at relatable sa Pinoy.

Ayon sa taga-SMNI, family drama kasi ito at gusto nilang magkaroon ng alternative na mapapanood ang viewers nila.

Bakit Chinese drama at hindi Korean na uso ngayon?

“Gaya ng sinabi ni Mr. Galvez, malapit sa kultura natin ito. Relatable. Tayong Pinoy, makapamilya kaya napa-oo ang producer na ito ang SMNI.

“Hindi naman sinasabing exclusive tayo sa Chinese drama. Depende kung ano ang tema. Ito ‘yung una,” sai ng isang executive ng SMNI.

Simula pa lang ang Nasa’n ka Papa ng entertainment shows ng SMNI lalo na’t may honegrown talents din sila, huh!

AUTHOR PROFILE