James

JaDine, ’di kawalan kay Direk Darryl

September 12, 2021 People's Tonight 434 views

MarcoWALANG pakialam si James Reid kung hindi niya natuloy gawin ang Viva movie na Ang Manananggal na Nahahati ang Puso kung saan si Nadine Lustre ang dapat na makakasama niya.

Musika ang mundo ni James ngayon na pinagkakaabalahan at pinu-post sa kanyang Instagram account.

Pinalitan si James ni Marco Gallo na isang Fil-Italian.

Si Audrey Caraan naman ang pumalit kay Nadine na iba na rin ang mundo ngayon.

Wala namang regrets ang director ng movie na si Darryl Yap kung hindi natuloy ang JaDine loveteam sa movie niya dahil kuntentung-kuntento siya sa performance nina Audrey at Marco sa kabuuan ng movie dahil hindi naging sagabal ang kaalaman sa Tagalog ni Marco, huh!

Streaming na sa October 1 sa Vivamax Philippines ang Ang Mananaggal na Nahahati ang Puso pati na rin sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, Japan, Middle East at Europe.

SUCCESS STORIES NG MGA PINOY

ANG Knorr naman ang ka-tandem ng GMA sa paghahain ng masasarap na pagkain sa bagong show na Knorr Nutri-Sarap Kitchen na magsisimula ngayong Linggo, September 12.

Success stories naman ng mga Pinoy ang na mahilig kumain ng masusustansiyang pagkain sa cooking show na na ihu-host ni Camille Parts-Yambao.

Hindi lang sikat na personalidad kundi maging basketball stars ang mapi-feature gaya ni March Pingris na tumulong sa pagtitinda ng gulay sa Pozorrubio, Pangasinan kasama ang kanyang ina, si

Pokwang, teacher Fe Matullano-Castanas at Doc Joefrrey “Otit” Mambucon mula sa Tigwanon-Manobo tribe na graduate ng Nursing at Medicine. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE