Paolo

Paolo, walang pakialam sa career — Ogie

September 12, 2021 Vinia Vivar 319 views

“I felt relieved.”

Ito ang naging statement ni Paolo Contis matapos ang kanyang pagsasalita sa issue ng hiwalayan nila ni LJ Reyes at pag-amin sa kanyang mga pagkakamali.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi niyang nakausap niya si Paolo matapos nga ang paglalabas nito ng mga paglilinaw at paghingi ng tawad sa kanyang Instagram page noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Ogie ay tinanong niya si Paolo kung ano ang nararamdaman nito ngayon.

“Sabi niya sa akin, ‘I felt relieved kasi alam kong may kasalanan ako at sinabi ko ang kasalanan ko. Tao lang naman ako, Mama Ogs. Nagkakamali ako. Sinadya man ito o hindi, nagkamali ako,’” pagbabahagi ni Ogie.

Pinuri rin niya ang aktor sa ginawa nitong pag-amin sa kasalanan dahil bihira raw sa lalaki ang gumagawa nito, especially kung may pinuprotektahang career.

“Eh si Paolo Contis, walang pakialam sa kanyang career. Kung ito mang pagsasalita niya, eh, makasira sa kanyang career at ma-turn-off sa kanya ang mga fans,” sey pa ni Ogie.

Of course ay may mga tao pa rin daw na galit kina Paolo at Yen Santos na itinuturo ngang third party pero opinyon na raw ito ng mga tao.

“Importante lang, tingin din tayo sa salamin, tingnan natin kung malinis ba ang mukha natin. Wala ba tayong uling? Wala ba tayong sariling baho? Or nagkataon lang na artista si Paolo, si Yen, si LJ kaya subject to public opinion sila,” saad pa ni Ogie.

BEA, SASABAK SA BIRITAN

Si Bea Alonzo ang special guest nina Boobay at Tekla sa The Booby and Tekla Show bukas, Linggo, September 12.

Sasalang si Bea sa isang no holds barred interview sa “May Pa-Presscon” kung saan sasagutin niya ang ilan sa pinakamahihirap na katungan mula sa kanyang heartbreak, relationship status at career plans sa Kapuso Network.

Game rin na ipapamalas ni Bea ang kanyang husay sa pagkanta sa “Birit Showdown” kung saan aawit siya ng sikat na kanta ni Adele.

Abangan lahat ng ito sa The Boobay and Tekla Show, ngayong Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA Network.

AUTHOR PROFILE