Itim na Nazareno sa Quiapo bubuksan sa Mahal na Araw

April 1, 2022 Jonjon Reyes 205 views

MAAARI ng buksan sa publiko ang itim na Nazareno ng Basilica of the Black Nazarene para sa sa”pahalik” sa Quiapo, Manila.

Kasunod nito, umapela si Father Douglas Badong, parochial vicar ng basilica sa mga deboto, na mahigpit na sundin ang safety protocol upang makaiwas na mahawa ng COVID-19.

“Muling mahahawakan ang mismong imahen ng Poong Hesus Nazareno na nasa itaas ng altar ng simbahan ng Quiapo. Unti-unti nating ibabalik ang ‘pahalik’. Ipinapakiusap sa mga deboto na pumila ng maayos at sumunod sa mga safety protocols,” ayon kay Fr. Badong.

Nabatid na sa kabila na bubuksan na sa publiko ang pahalik sa Poon ng Itim na Nazareno, mahigpit na ipinatutupad sa loob at labas ng simbahan ang safety protocol tulad ng pagsusuot ng facemask at physical distancing ng mga deboto.

Kasabay nito, patuloy na pinag-iingat ng simbahan at pamahalaan ang publiko laban sa banta ng virus bagamat mahigit 65 milyon filipino na ang kumpletong nabakunahan ng COVID 19 vaccine. Nina JON-JON C. REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE