Hitman arestado, P20K kapalit ng buhay

April 1, 2022 People's Tonight 217 views

INAMIN ng isang 23-anyos na “hitman” na binayaran umano siya ng P20,000 para patayin umano ang isang 36-anyos na mekaniko habang nasa loob ng garahe sa Tondo, Manila , kamakailan.

Si Roberto De Guzman alyas Onyok, jobless, ng 1036 A. Mabini St., Caloocan City, ay naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section nitong April 1,2022 sa kanyang tinutuluyang bahay sa Caloocan bandang 3:30 p.m.

Ayon kay P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng MPD- Homicide Section, dahil sa impormasyong nakalap ng pulisya agad na natimbog si De Guzman sa nasabing lugar.

Inamin umano nito na binayaran siya ng P20,000 para patayin umano ang biktimang si Alshock Tayo, 36, may ka live in, nang pagbabarilin ito sa loob ng garahe ng kanilang bahay sa Mercado St., Brgy. 50, Tondo nitong nakaraang Marso 29, 2022.

Nabawi kay De Guzman ang kalibre 45 baril na ginamit sa pagpatay na ayon dito na pinahiram lang sa kanya at ang motorsiklo.

Napag- alaman kay Det.Dennis Suba, may hawak ng kaso ayaw umanong tukuyin ng hitman kung sino ang mastemind sa pagpatay pero kasalukuyan itong nakakulong sa Manila City Jail.,

AUTHOR PROFILE