Default Thumbnail

Inuman nauwi sa patayan

September 7, 2021 Gil Aman 508 views

PATAY ang isang lalaki matapos umanong barilin ng kaanak nang magtalo sila sa inuman Lunes sa Bgy. Sto Niño, San Pablo City,Laguna.

Kasong murdee ang nakatakdang isampang kaso ng pulisya laban sa tumakas na suspek.

Kinilala ni Police PLt. Col. Garry Alegre ang biktimang si Sherwin Montila Llanera, residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, bandang alas 12:30 ng nakaraang Lunes ng madaling araw ng maganap ang insidente.

Masaya umanong nag-iinom ang suspek at biktima sa lugar ng hindi inaasahang mauwi ang mga ito sa mainitang pagtatalo sa hindi pa mabatid na dahilan.

Dahil dito, agarang nagbunot ng baril ang suspek at malapitan nitong pinagbabaril ang kanyang kaanak bago mabilisang tumakas.

Sa kabila ng naisugod pa ng kanyang pamilya sa pagamutan ang biktima kung saan binawian din ito ng buhay bunsod ng tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.

AUTHOR PROFILE